REVILLA TULOY-TULOY ANG PAGHAHATID NG BIYAYA SA MINDANAO
WALANG PATID ang paghahatid ng biyaya ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. sa iba’t ibang panig ng Mindanao ngayong linggo sa ilalim ng kanyang Bayanihan Relief (BR) Program. Nitong Huwebes (Oktubre 3) ay nagtungo ang batikang lingkod-bayan sa Davao Region upang ipagpatuloy ang kanyang walang humpay na pagtulong.
Matatandaang noong nakaraang Lunes lamang (Setyembre 30) ay nagtungo ang mambabatas sa mga lalawigan ng Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, at Sultan Kudarat kung saan pinangunahan niya ang pamamahagi ng financial assistance sa halos 10,000 na mga benepisyaryo.
Alas sais pa lang ng umaga ay lumipad na si Revilla patungong Davao International Airport sa Davao del Sur kung saan namahagi siya ng ayuda sa mahigit na 2,000 na mga benepisyaro sa pamamagitan ng Assistance to Individual in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Kasama ni Revilla sa naging cash assistance distribution sina Davao del Sur Gov. Yvonne Cagas at former Gov. Marc Cagas.
Hindi lang ayuda ang hatid na tulong ng senador sa nasabing lalawigan sapagkat ang mambabatas ang naging daan upang mapondohan ang isang multi-purpose building sa lalawigan upang maging bagong admin building ng Provincial Health Office.
Matapos nito ay agaran naman tumawid si Revilla sa kalapit lalawigan na Davao Occidental kung saan siya ay sinalubong nina Gov. Franklin Bautista at Cong. Claude Bautista para ipagpatuloy ang pagbibigay ng ayuda sa kanilang mga kababayan. Halos 2,000 rin ang nabiyayaan ng ayuda na nagkakahalaga ng tig-P2,000.
Pinasalamatan rin si Revilla ng mga taga-Davao Occidental sa tulong niya upang mapondohan ang pagpapagawa ng bypass road sa Brgy. West Lamidan, Don Marcelino, Davao Occidental.
Bandang hapon naman ay pumunta si Revilla sa Davao de Oro, kung saan nakasama niya si Cong. Maricar Zamora, upang muling mamigay ng ayuda sa mga kanyang kababayan doon na may kabuuang halaga na P5 million para sa nasabing lalawigan.
“Dire-diretso lang tayo sa pagtulong dito sa ating mga kababayan sa Mindanao at talagang sobrang lapit sa puso ko ang lugar na ito. Kaya asahan niyo po na hindi dito matatapos ang ating paghahatid ng tulong at malasakit sa ating mga kababayan,” pahayag ni Revilla.
“Gaya nga ng lagi kong sinasabi, binibigay lang po natin sa ating mga kababayan ang mga dapat naman talaga nilang natatanggap mula sa gobyerno. Nawa ay makatulong ito sa kanilang mga pangaraw-araw na pangangailangan hanggang sa tuluyang umunlad ang kanilang mga buhay,” pagwawakas niya.
Kinagabihan ay nakiisa at nakisaya si Revilla sa kapistahan ng Santa Cruz sa Davao del Sur at dumalo bilang panauhing pandangal sa coronation night ng Mutya ng Santa Cruz 2024. -30-