Pangunahing Programa ni Sen. Bong Revilla

 
Bong Revilla.jpg
Bong Revilla.jpg
Bong Revilla.jpg
Bong Revilla.jpg
Bong Revilla.JPG

Disenteng Sweldo Para Sa Lahat

  • Patuloy nating ipaglalaban ang across the board legislated 125 pesos daily wage hike.

  • Ipaglalaban din natin ang pagtataas ng sahod ng mga guro. Naitaas na ang sweldo ng mga pulis at sundalo, at marapat lamang na ipantay natin ang mga guro dahil pare-pareho naman silang mga bayani ng ating bayan.

  • Napag-uusapan din lamang ang mga bayani, kailangan ding maisama sa pagpantay ng sweldo ang ating mga nurses na nangangalaga sa ating mga kababayan.

  • Itutuloy ko rin ang panukala na magkaroon ng standardization sa mga sweldo at benepisyo ng mga opisyal at manggagawa ng mga barangay - kasama ang mga tanod, daycare workers, at health workers.

 
DSC06299.jpg

Kalusugan ng mga Manggagawa

  • Ang matagal nating panukala para sa occupational safety and health ay naisabatas na ngunit marami pa rin tayong kailangan ipaglaban.

  • Hanggang ngayon, wala pa rin sa batas nating ang sick leave. Nakasalalay pa rin sa kanya-kanyang pinapasukan kung magbibigay ng sick leave. Itinatakda lang ng batas na dapat may service incentive leave na limang araw kada taon pag naka higit isang taon na ang manggagawa sa kumpanya. Sisikapin nathing maisabatas ang sick leave para sa lahat. Napakahirap naman na may sakit ka na, iniisip mo pa ang panggastos.

  • Maliban sa sick leave, itutulak natin ang Family Medical Leave Act tulad ng sa Amerika. Mahalaga ito para sa may mga kaanak na may malubhang karamdaman para sila ay maasikaso at masamahan na hindi iniisip ang pagkukunan ng panggastos.

  • Muli nating ihahain ang aking “pet bill” na naglalayong magtatag ng OFW Hospital para sa ating mga minamahal na Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga kaanak.

 Kalinga sa Nakatatanda

  • Ipapanukala nating muli na gawing 56 years old ang retirement age sa gobyerno.

  • At dahil magiging 56 na ang retirement age, muli kong ipapanukala na ibaba rin sa edad na 56 ang edad ng Senior Citizen. Nais nating maaga at mahabang mapkinabangan ng ating mga kababayan ang benepisyong ibinibigay sa kanila ng batas.

  • Kung sa kasalukuyan ay kailangan dumapo muna sa edad na 100 para makatanggap ng 100,000php na benepisyo, ipapanukala natin na gawin itong staggered - 25,000php sa edad 80; 25,000php ulit sa edad 90; at 50,000php pagtungtong ng 100.

Bong Revilla.jpg