“GOOD FIRST STEP”
This is a good first step sa pagpapatibay ng tiwala ng publiko sa pulisya. Magsisilbi itong leksyon sa ating mga pulis – na walang lugar sa serbisyo ang mga pang-aabuso ng kapangyarihan at pagtalikod sa katungkulan.
I commend President Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr. for the strong commitment he made during his second State of the Nation Address to ensure that our country will continue to enjoy lasting peace and order. The continuous, willed effort of the Marcos Jr. administration in curbing illegal drugs and criminality is one of the hallmarks of his governance.
Alam nating simula pa lang ito ng ating magiging mahabang pakikibaka para tuluyang tugisin ang kriminalidad, kasama na ang paglilinis sa hanay ng pulisya.
Ikinatuwa natin ang pagtanggap ni Pangulong Marcos sa resignation ng 18 na matataas na opisyal ng PNP na napag-alaman ng NAPOLCOM Ad Hoc Advisory Group na may ebidensiyang pagkakasangkot sa iligal na droga.
Pero hindi dapat dito matapos ito. Hindi dapat matapos lang ang kanilang pananagutan sa basta pagbibitaw sa pwesto. Kailangan maghalungkat pa ng mas mabigat at konkretong ebidensiya na talagang magpapatunay na sila ay may kinalaman sa krimen na ito upang ang mga makakasuhan at mapatawan ng karampatang hustisya ay iyong totoong mga halang ang kaluluwa.
I appeal to our Department of Justice and the Philippine National Police to continue pursuing legal action against these unscrupulous, unworthy, and dishonorable uniformed personnel to finally serve justice to the Filipino people.
Patuloy tayong makikipagtulungan sa ating Pangulo para lalong mas maging malinis ang pulisya at para siguruhin na ang matitira lamang ay yung ang intensyon ay “To serve and protect the Filipino people.”
-30-