REVILLA CAUTIONS PUBLIC ON SIM-FOR-SALE MODUS

AFTER the deadline for SIM registration,  Senator Ramon Bong Revilla, Jr. on Wednesday (July 26) cautioned the public against selling their registered SIM cards without complying with the law. The lawmaker said those buying already registered SIM cards are most likely to use the modules in scams and other crimes without being traced.

According to reports, aside from buying already registered SIMs, online scammers are also offering innocent individuals money in exchange for the registration of SIM cards under their name using their identity. Revilla said this unnecessarily exposes them to potential risks and liability.

“Hindi natin dapat ipinagbibili ang ating SIM cards dahil kapag ginamit sa krimen ang SIM na nakarehistro sa isang indibidwal ay tiyak na mahaharap sa kaso kung sino ang nakapangalan sa SIM. Hindi naman puwedeng ikatuwiran na naipagbili na ang SIM kaya wala na silang kinalaman,” he said.

It was reported that registered SIM cards are being sold as high as P500 each, which is almost 10 times the regular price. Moreover, the individuals that are being victimized are those who are clueless on the registration process, as it is those unscrupulous people that perform the registration on their behalf.

“Tandaan natin na nakapaloob sa batas na kung ang rehistradong SIM card ay magamit sa krimen, parehong ang nagbenta at ang bumili ang mananagot sa batas. Kaya wag na wag nating ipagbibili ang ating mga registered SIM cards,” Revilla reminded.

Pursuant to Republic Act No. 11934 or the SIM Registration Act, the sale of already registered SIM cards must comply with transfer and registration requirements prior to transfer. Failure to register existing SIM cards within prescribed period shall be deactivated automatically. The National Telecommunications Commission said that there will be no further extension and those that were not able to register before July 26, 2023 will be deactivated. -30-

REVILLA NAGBABALA SA REGISTERED SIM FOR SALE

NAGBIGAY ng babala si Sen. Ramon Bong Revilla Jr. hinggil sa bentahan ng rehistradong SIM (subscriber identity module) matapos na sumapit na sa nakatakdang panahon ang SIM registration sa bansa.

Sinimulan nang i-deactivate ang mga hindi rehistradong mobile numbers simula kahapon Hulyo 26 ngunit bibigyan pa umano ng palugit na limang araw ang mga hindi pa rin rehistrado ngunit kapag hindi pa rin nakapagparehistro ay tuluyan nang mawawalan ng koneksiyon.

Ayon sa Department of Information and Communications and Technology (DICT) ang mga subscribers na hindi nakapagparehistro bago pa ang deadline ay mawawalan ng mobile services tulad ng calls, data at text at maibabalik lamang kung makakahabol sa limang araw na extention.

Dahil dito ay nagkumahog ang mga online scammers na binabayaran ang walang kamuwang-muwang na mga indibidwal upang ipagbili ang kanilang pagkakakilanlan para magamit sa pagpaparehistro ng SIM at ito ngayon ang bagong modus.

Sa halagang P500 ay makakabili na ng rehistradong SIM at ang mga bumibili nito ay ‘yung mga kababayan nating hindi marunong magparehistro at ang iba ay ‘yung mga sindikato na nais na namang gamitin ang rehistradong SIM sa panloloko.

“Hindi natin dapat ipinagbibili ang ating pagkakakilanlan dahil kapag ginamit sa krimen ang SIM na nakarehistro sa isang indibidwal ay tiyak na mahaharap sa kaso kung sino ang nakapangalan sa SIM, hindi naman puwedeng ikatuwiran na naipagbili na ang SIM kaya wala na silang kinalaman” ito ang paliwanag ni Revilla.

Idinagdag pa ni Revilla na maging ang nagbibenta o bumili ng rehistradong SIM ay tiyak na mahaharap sa kaso at hindi rin maikakatuwiran na bumili o nagbenta lamang at walang kinalaman sa krimen.

Nakapaloob sa batas na ang sinumang magbibenta o magsasalin ng registered SIM na hindi dumaan sa required registration ay may parusang pagkakakulong ng mula anim na buwan hanggang anim na taon o multang P100,000 hanggang P300,000 o parehong ipapataw.

Ayon sa Republic Act 11934 o ang SIM Registration Act, kailangang lahat ng subscribers ay magparehistro ng kani-kanilang SIM dahil sa layuning matigil na ang digital fraud tulad ng messaging scams.

-30-

Edward Sodoy