Sen. Bong Revilla pushes for P 125 across-the-board salary increase, retirement benefits for barangay workers

Labor groups on Monday lauded Sen. Bong Revilla for filing 10 bills on his first day as a re-elected senator, including a bill seeking for a P 125 across-the-board salary increase for non-government employees.

Revilla believes that the salary increase is timely because inflation continues to affect the local economy, hence, ordinary laborers need to augment their income to provide for their families.

The veteran legislator also believes that the take home pay of laborers is much lower than the conservative perspective of the government, and is not commensurate to provide for a decent living.

A recent study revealed that a decent cost of living for a family of six is P 1,200, double the amount of the country’s highest daily minimum wage of P 537 in the National Capital Region (NCR).

Furthermore, Revilla also filed a bill pushing for the provision of retirement benefits of barangay officials, including security and peace officers (tanods), health workers and day care workers.

 

P125.00 DAGDAG-SAHOD AT BENEPISYO NG BARANGAY WORKERS ISINULONG NA NI REVILLA

Ikinagalak ng mga manggagawa nang magtungo si Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. sa Senado upang isumite ang mga panukalang batas na kaniyang ipinangako bago maghalalan.

Una sa kaniyang mga isinumite ay ang dagdag-sahod na P125.00 daily across-the-board para sa mga empleyado at mga manggagawa sa pribadong sektor.

Sinabi ni Revilla na ito ay dahil sa inflation at sitwasyon ng ekonomiya na hindi na akma ang kinikita ng mga manggagawa sa kasalukuyang gastusin. Lubhang napakababa na nang tinatanggap na sahod ng mga manggagawa kumpara sa konserbatibong pananaw ng pamahalaan para makaraos ang isang pamilya sa kasalukuyang sitwasyon ng ekonomiya.

Ayon sa isang pag-aaral, umaabot na sa P1,200 ang pang-araw-araw na gastusin ng isang pamilya na binubuo ng anim na miyembro na halos doble na ng kasalukuyang minimum wage na P537.00 kada araw sa NCR.

Naghain din ng panukala si Revilla na magbibigay ng retirement benefit sa mga opisyal ng barangay, kabilang ang tanod, lupon ng tagapamayapa, health workers at day-care workers.

Ayon kay Revilla ang mga opisyal ng barangay ay siyang naghahatid ng serbisyo hanggang sa pinakamababang antas ng lipunan at itinataya na ang kanilang buhay maihatid lamang ang mga pangunahing serbisyo at katarungan para sa mga Pinoy.

Sa kabila umano nito ay lubhang napakaliit ng benepisyo/honoraria ang tinatanggap ng mga ito gayung sila ang unang kinukonsulta sa halos lahat ng plano, polisiya, programa , proyekto at iba pang aktibidades sa komunidad.

Dahil dito tiniyak na Revilla na panahon na para kilalanin naman ang pagpupursige ng mga nagseserbisyo sa barangay.

viber_image_2019-07-04_16-24-25.jpg
PR Team