10 PANGAKO NI SEN. BONG SA KAMPANYA, ISINUMITE AGAD SA UNANG ARAW NITO SA SENADO
HINDI pa nag-iinit sa upuan ang aktor at ngayon ay muling nahalal na si Senador Ramon Bong Revilla, Jr. ay agad itong nagsumite ng 10 panukalang batas sa unang araw nang pagdalo nito sa Senado.
Si Revilla na kilalang masipag sa paggawa ng batas ay hindi nag-aksaya ng kahit ilang minuto at agad na isinumite ang unang sampu sa kaniyang napakaraming pangako sa gitna ng kaniyang kampanya.
Isa sa minamadali ni Revilla ay ang taas-sahod o ang P125.00 daily Across-the-Board para sa suweldo ng empleyado at manggagawa na matagal nang nagsasagawa ng mga protesta dahil hindi na akma ang kanilang kinikita sa kanilang pamumuhay.
Kasabay nito ay ang pagbibigay ng benepisyo sa mga retiradong opisyal ng barangay, kasama na ang tanod, lupon ng tagapamayapa, health workers at barangay daycare workers na halos subsob din sa serbisyo para sa ating mga kababayan.
Isinumite din ni Revilla na panahon na para magkaroon ng sariling pagamutan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at ang kanilang mga mahal sa buhay dahil karamihan sa mga OFW ay nauubos din ang ipon kapag sila mismo ay nagkakasakit o ang kanilang mahal sa buhay.
Kasama din sa isinumite ni Revilla ang maagang retirement ng isang empleyado ng gobyerno na may kaakibat na benipisyo upang maaga nitong mapakinabangan ang kaniyang pagseserbisyo.
Kasama pa sa isinumite ang GSIS Act na nagpapanukalang ibaba ang mandatory retirement age mula sa 65 to 60 at optional retirement age mula sa 60 to 55; Ang konbersiyon ng Sangley Point sa Cavite City para maging International Logistics Hub; I-institutionalize ang pagbibigay ng tamang supply, allowance at sapat na pondo ang mga pampublikong guro.
Ang maalisan na ng VAT ang mga gamot para sa mga maysakit sa pag-iisip; Pondo para sa mga programa sa mga baryo; Panukalang gawing permanent item ang Disaster Officer sa bawat Local Government Unit.
At ang ika-sampu ay ang resettlement program para sa informal settlers o ang Urban Development and Housing Act upang mabigyan ng disenteng tahanan ang mga mahihirap at mabigyan ng dsienteng pamumuhay.
Samantala, tiniyak ni Revilla na pauna lamang ito mas marami pa niyang nakahanda panukalang batas na makapagpapagaan sa kabuhayan ng sambayanan.