Bong Revilla, muling itutulak ang OFW Hospital

Muling ihahain ng nagbabalik na senador na si Bong Revilla ang kanyang "pet bill" na naglalayong magtatag ng OFW Hospital para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga kaanak.

Nais ng panukala na mabigyan prayoridad ang mga OFW at kanilang pamilya sa mga serbisyo medikal, pag-confine, at pagsailalim ng mga medical procedure na gagawin ng mga doktor at eksperto.

Dagdag ng beteranong mambabatas, ang napaulat na pagsibak sa trabaho ng Hong Kong domestic helper na si Baby Jane Allas matapos siyang ma-diagnose ng stage 3 cervical cancer ay isang patunay na dapat magkaroon ang bansa ng isang OFW Hospital.

"Kitang kita ang pangangailangan sa programang ito," ayon kay Revilla.

"Mayroon tayong Veterans' Hospital para sa ating mga buhay na bayani. Bakit wala tayong OFW Hospital para sa mga bagong bayani na nangangailangan din ng pagkalinga at importansiya?," sentimyento ni Revilla.

Naniniwala si Bong na ang pagkakaroon ng OFW Hospital ay isang paraan para suklian ng pamahalaan ang mga OFW sa lahat ng kanilang pagsusumikap, pagsasakripisyo, at pagtataguyod ng pambansang kaunlaran sa mga pinakaproduktibong taon ng kanilang buhay.

"Kailangan natin ipakita ang ating pasasalamat sa ating mga OFW. Utang natin yan kanila," pagtatapos nito.

Bong Revilla.jpg
Bong Revilla.jpg
Bong Revilla.jpg
PR Team