Traditional Pulong Leaders ng Lagbas Clan, Suportado si Sen. Bong Revilla

“SISIKAPIN kong maging siyudad ang bayan ng Malingasag sakaling mabalik ako sa Senado”

Ito ang ipinangako ni Sen. Bong Revilla dahil sa sobrang init nang pagsalubong sa kanya mga sa pangunguna ni Mayor Mayet Roa Abogado nang magsagawa ito campign caravan sa Misamis Oriental.

Kasunod nito ay buong pagmamahal na tinanggap ng Traditonal Pulong Leaders ng Lagbas Clan ang pagbisita ni Revilla nang personal nitong dalawin ang kanilang ancestral house sa nasabi ring lugar.

Lumagda si Revilla sa makasaysayang talaan ng mga bisita ng nasabing ancestral house na itinayo noon pang 1909 sa Sugbongcogun ng nasabing lalawigan na binisita na ng mga tanyag na personallidad.

Kabilang sa maraming bumisita na sa nasabing lugar ay si dating Pangulong Diosdado Macapagal, dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating Pangalawang Pangulo na si Maning Pelaez.

Matapos mabasa ang plataporma ni Revilla ay nangako ang Lagbas Clan, na isa sa may pinakamalaking angkan sa Misames Oriental na ibibigay nila ng buung-buo ang kanilang suporta sa kandidatura ng nagbabalik na Senador.

Samantala,tiniyak naman ni Revilla na babalik siya sa naturang lugar sakaling mabalik siya sa Senado upang muli ay magbigay pugay at pasalamat sa ipinakitang pagmamahal sa kaniya ng mga Misamis, Oriental.

Bong Revilla.jpg
Bong Revilla.jpg
Bong Revilla.jpg
Bong Revilla.jpg
Bong Revilla.jpg
PR Team