Sen. Bong Revilla, Inindorso ng Gobernador, 2 Congressmen, at 24 Incumbent Mayors sa Samar
NAGPAHAYAG ng buong suporta ang 24 na imcumbent mayors, dalawang congressmen at ang mismong gobernador nang magtungo kahapon si Sen. Bong Revilla sa Catarman, Samar.
Hindi magkamayaw sa tuwa ang mga tao na sabik na sabik sa pagdating ni Revilla bilang bahagi ng campaign caravan ng Hugpong Ng Pagbabago (HNP).
Matapos ang nasabing pagtitipon ay nagsagawa ng motorcade si Revilla upang pagbigyan ang hiling ng mga nagsisigawang tao na nais na makakuha ng larawan, makayakap at makahalik.
Kasunod nito ay nagkaroon ng pagtitipon kung saan ay personal na inindorso ni Catarman Governor Jun Ong na kanilang susuportahan sa darating na eleksiyon si Revilla para manalong Senador.
Inindorso din nina Cong.Paul Daza, Cong. Edwin Ong, at 24 pang incumbent mayors ang pagtakbo ni Revilla kasabay ng mga pangakong lahat sila ay magsasama-sama para ibigay ang buong suporta sa kandidatura ng nagbabalik na Senador.
Hindi naman mapawi ang ngiti ni Revilla dahil sa naganap na pagdedeklara ng suporta ng buong lalawigan kasabay ng pangakong hindi niya pababayaan ang Catarman sakaling mabalik siya sa Senado.