Sen. Bong Revilla, inindorso ng Bicol Governor at Ako Bicol Party List

Bong Revilla.jpeg

Uragon. Sa ginanap na HNP Campaign Caravan sa Legaspi City, Albay kamakailan ay ininderso ni Governor Al Francis Bicharra at ng Ako Bicol Party List sa pangunguna ni Congressman Pido Garbin at Eddie Garcia ang kandidatura ng nagbabalik na Senador Bong Revilla sa harap ng mahigit 5,000 mga Bicolano. Ipinaliwanag ni Bong ang kanyang plataporma sa mga dumalo, pangunahin na nga ang panukalang pag-institutionalize ng sick leave ng mga empleyado at pagkakaroon ng Family Medical Leave para sa mga empleyadong may mga kaanak na may malubhang karamdaman.

PR Team