Sen. Bong Revilla, Pinagkaguluhan Sa Parada Dabawenyo
NAPAKALAKI nang ginanap na pagdiriwang sa hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte na dinaluhan ng napakaraming grupo bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang sa ika-82 Araw ng Davao.
Isa sa umangat sa halos 500 floats ay itong si Sen. Bong Revilla na hindi pa sumasampa sa sarili niyang float ay pinagkakaguluhan na ng mga Dabawenyo na nagpakita ng sobrang suporta sa pagdating nito sa okasyon.
Matatandaan na mismong si Mayor Inday Sarah Duterte ang nag-indorso kay Revilla bilang pangunahing pambato ng Hugpong Ng Pagbabago (HNP) sa pagka-Senador.
Tinawag nilang Parada Dabawenyo ang naganap na pagdiriwang na nilahukan ng iba’t-ibang kumpanya at organisasyon na pare-parehong naghanda ng kani-kanilang floats.
Ang makasaysayang pagdiriwang na ito ay labis-labis ang pasasalamat ni Revilla sa mga Duterte na nagpakita ng buong pusong suporta sa kaniyang kandidatura.
Sa isinagawang ambush interview kay Revilla ay sinabi nitong hindi siya tutol sa Martial law extension sa Mindanao dahil sa wala namang nagrereklamo sa mga taga-rito at ramdam naman ang kaayusan at katahimikan dahil sa pagpapalawig nito.