BONG REVILLA DINAGSA SA QUEZON

NAGMISTULANG karagatan sa dami ng tao ang sumalubong kay Sen. Ramon Bong Revilla Jr. nang magsagawa ito ng motorcade rally sa Muaban, Sampaloc, at Lucena City sa Quezon bilang bahagi ng kaniyang pangangampanya dahil sa pagtakbo niyang muli bilang Senador.

Marami ang nag-iiyakan dahil sa tuwa nang masilayan nila ng personal si Bong Revilla na nagpaunlak makamayan, mayakap at magpakuha ng larawan sa lahat ng may nais.

Si Bong Revilla ay isa sa mga nangunguna sa mga prestishiyosong survey na naglalabasan sa kasalukuyan dahil sa dami ng batas na kaniyang naipasa na labis na nakakatulong sa marami nating kababayan. -30-

Edward Sodoy