REVILLA DINUMOG SA CAVITE

MINSAN pa ay pinatunayan ng mga Kabitenyo ang labis na pagmamahal nila kay Sen. Bong Revilla Jr. nang simulan na nito ang nakatakdang nationwide motorcade sa Carmon at Bulihan nang halos hindi na madaanan ang mga kalye dahil sa dami ng sumalubong at nais na makamayan man lamang ang butihing Senador.

Nagmistulang pista ng Nazareno sa Quiapo ang dami ng mga Kabitenyong nagsidalo at literal na lahat ay nais ipadama ang kanilang pagmamahal sa kanilang pambato na muling tumatakbong Senador.

“Walang pagsidlan ang aking pasasalamat sa aking mga kababayan na hanggang ngayon ay mainit pa rin ang suporta sa atin sa nakalipas na tatlumpong taon, hindi sila nagbabago at hindi nagsasawa kaya hindi rin tayo magsasawang suklian ng serbisyo ang walang sawa nilang pagmamahal sa atin, mahal na mahal ko ang mga Kabitenyo” emosyonal na pahayag ni Revilla.”

Lalo pang uminit ang pag-iikot ng Senador nang lumahok ito sa isinasagawang Kabute festival at nagpaunlak ng sayaw sa isinasagawang parada—kitang-kita ang luha ng kagalakan sa mga nagsidalo na lahat ay nais mayakap, mahalikan ang Senador o kahit makamayan man lamang.

Edward Sodoy