REVILLA PINANGUNAHAN ANG IKA-126 NA SELEBRASYON NG ARAW NG KASARINLAN SA CAVITE
BILANG isang tunay na dugong Kabitenyo ay pinangunahan ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. ang ika-126 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng bansa Miyerkules ng umaga (Hunyo 12) na ginanap sa Dambana ni Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite.
Si Revilla na siyang panauhing pandangal para sa kasalukuyang taong paggunita ng kalayaan ng bansa ay pinangunahan ang pag-aalay ng bulaklak sa libingan ni Pangulong Emilio Aguinaldo at pinangunahan din ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa isinagawang seremonya sa tanyag na balkonahe sa dambana.
Sa kanyang maikling pananalita ay inihayag ng mambabatas ang kabayanihang ipinamalas ng mga pinagpipitagan na ninuno sa bansa na naging dahilan ng kalayaan ng Pilipinas mula sa kamay ng mga mananakop na kahit kailanman ay hindi matatawaran at hindi makalilimutan.
“Daang taon man ang lumipas, hindi malilimutan ang dakilang sakripisyo ng ating mga ninuno. At magpakailanman, ito ay tatanawin nating utang na loob sa kanilang nag-alis ng tanikalang bumihag sa ating inang bayan, sa kanilang nag-alay ng dugo at buhay upang makamtan ang mga tinatamasa nating kasaganaan, kapayapaan at kalayaan,” bahagi ng pahayag ni Revilla.
Binigyang diin ni Revilla na ang katatagan at determinasyon ng mga Pilipino sa pagharap sa mga pagsubok ang naging dahilan upang makamit natin ang minimithing kalayaan.
“Kasaysayan ang testigo sa mga landas na ating tinahak, at ito na rin mismo ang saksi sa katotohanang hindi bago sa atin ang mga pag-subok. Ngunit anumang hagupit ng tadhana, hindi nagpatinag ang lahing Pilipino na pinanday na ng panahon. Isang bayang hindi na muling magpapagapi. Isang bayang paulit-ulit na itataas ang bandilang simbolo ng kapayapayan, kasarinlan at katarungan. Ito mismo ang taunan nating ipinagdiriwang -- ang diwang walang maliw ang kabayanihan at kadakilaan,” madamdaming pahayag ni Revilla.
Pinakabuod ng mensahe ni Revilla ang pagbibigay diin sa kahalagahan ng pagpapaalala sa mga Pilipino hinggil sa nakaraang pinagdaanan para sa Kalayaan at ang patuloy na pagbibigay ng proteksyon upang ipaglaban ang ating soberanya.
“Ito ang kahalagahan ng araw na ito, na ipaalala sa ating mga kababayan, lalo na sa ating mga kabataan, ang dugong dumaloy upang makamit ang mga mithiin at pangarap ng bayang hindi namuli magpapabihag. Lalo na at sariwa pa sa ating gunita ang tila muling panunubok sa ating soberenya. Higit na kailangang magningas ang kabayanihang handang salagin ang anumang sibat na banta sa ating kasarinlan, Sa ating pinagkaisang tinig at pagpupunyagi, hindi na muling makakapaghari-harian ang sinumang dayuhang nagnanasang lapastanganin at pagsamantalahan ang ating bayan. Wala nang pwersang maaaring magpatahimik sa bayang natuklasan na ang talawtaw ng kanyang tinig,” dagdag pa ni Revilla.
Taong 1988 sa panahon ng ika-100 taon ng Philippine Independence ay ginampanan ni Revilla, na noon ay Cavite Governor, ang papel bilang Pangulong Emilio Aguinaldo sa Centennial celebration ng bansa.
Ang pagdiriwang ng Philippine Independence Day ay mahalaga sa Kawit, Cavite, dahil ito ang Kalayaan natin mula sa kamay ng mga Kastila at ito rin ang panahong iprinoklama ni Pangulong Aguinaldo ang kalayaan noong Hunyo 12, 1998.
Bukod sa Kawit, Cavite, ang ika-126 na Araw ng Kalayaan ay sabay na ginugunita rin sa Rizal Park sa Manila, Barasoain Church sa Bulacan, Pinaglabanan Memorial Shrine sa San Juan City, Mausoleo delos Veteranos dela Revolucion sa Manila, Andres Bonifacio National Monument sa Caloocan City, at Museo ng Kasaysayang Panlipunan ng Pilipinas sa Pampanga.
-30-
REVILLA LEADS 126TH INDEPENDENCE DAY CELEBRATION IN CAVITE; HIGHLIGHTS NATION’S RESOLVE TO UPHOLD SOVEREIGNTY
TRUE-BLOODED Caviteño Senator Ramon Bong Revilla, Jr. led the celebration of the 126th anniversary of Philippine Independence Wednesday morning (June 12) at the Dambana ni Emilio Aguinaldo in Kawit, Cavite.
Revilla, who was the guest of honor for this year’s commemoration of the country’s freedom, spearheaded the wreath-laying rites at the tomb of President Emilio Aguinaldo and led the flag-raising ceremony at the shrine’s iconic balcony.
In his speech, the statesman stressed that the heroism of the nation’s forefathers who freed the Philippines from colonizers will never be forgotten.
“Daang taon man ang lumipas, hindi malilimutan ang dakilang sakripisyo ng ating mga ninuno. At magpakailanman, ito ay tatanawin nating utang na loob sa kanilang nag-alis ng tanikalang bumihag sa ating inang bayan, sa kanilang nag-alay ng dugo at buhay upang makamtan ang mga tinatamasa nating kasaganaan, kapayapaan at kalayaan,” he voiced.
Revilla also highlighted the resilience and determination of Filipino people in facing challenges and upholding its independence.
“Kasaysayan ang testigo sa mga landas na ating tinahak, at ito na rin mismo ang saksi sa katotohanang hindi bago sa atin ang mga pag-subok. Ngunit anumang hagupit ng tadhana, hindi nagpatinag ang lahing Pilipino na pinanday na ng panahon. Isang bayang hindi na muling magpapagapi. Isang bayang paulit-ulit na itataas ang bandilang simbolo ng kapayapayan, kasarinlan at katarungan. Ito mismo ang taunan nating ipinagdiriwang -- ang diwang walang maliw ang kabayanihan at kadakilaan,” the solon declared.
At the core of his message, Revilla emphasized the importance of reminding filipinos of the nation’s past struggle for freedom in its continuous pursuit to protect and uphold its sovereignty.
“Ito ang kahalagahan ng araw na ito, na ipaalala sa ating mga kababayan, lalo na sa ating mga kabataan, ang dugong dumaloy upang makamit ang mga mithiin at pangarap ng bayang hindi namuli magpapabihag. Lalo na at sariwa pa sa ating gunita ang tila muling panunubok sa ating soberanya. Higit na kailangang magningas ang kabayanihang handang salagin ang anomang sibat na banta sa ating kasarinlan,” Revilla stressed.
“Sa ating pinagkaisang tinig at pagpupunyagi, hindi na muling makakapaghari-harian ang sinumang dayuhang nagnanasang lapastanganin at pagsamantalahan ang ating bayan. Wala nang pwersang maaaring magpatahimik sa bayang natuklasan naang talawtaw ng kanyang tinig,” he remarked.
In 1998, during the 100th year of Philippine independence, Senator Ramon Bong Revilla, Jr., then Cavite Governor, played the part of President Emilio Aguinaldo in the country's Centennial celebration.
The celebration of Philippine Independence Day is very significant in Kawit, Cavite, because it was there where Philippine independence from Spanish colonial rule was proclaimed by President Emilio Aguinaldo on June 12, 1898.
Apart from Kawit, Cavite, the 126th Independence Day will also be simultaneously celebrated in Rizal Park in Manila, Barasoain Church in Bulacan, Pinaglabanan Memorial Shrine in San Juan City, Mausoleo delos Veteranos dela Revolucion in Manila, Andres Bonifacio National Monument in Caloocan City, and Museo ng Kasaysayang Panlipunan ng Pilipinas in Pampanga. -30-