ANAK NINA BONG REVILLA AT LANI MERCADO, GANAP NANG DOKTORA!
Isa na namang bonggang tagumpay ang ipinagdiriwang ng pamilya Revilla ngayon, sa pangunguna ng power couple na sina Senador Ramon Bong Revilla, Jr. at Congresswoman Lani Mercado-Revilla! Ito ay matapos maging ganap nang doktora ang kanilang anak na si Loudette Bautista sa pagpasa nito sa 2024 Physician Licensure Examination o ang tinatawag na Board Exams para sa mga doktor.
Hindi mapigilan ang tuwa ng super proud at super saya na parents ni Dra. Loudette na kahit hating-gabi na lumabas ang resulta, agad itong ibinahagi ni Sen. Bong sa kanyang Facebook live.
Hindi lang mga magulang ang masaya, kundi pati na rin ang kanilang mga kaibigan at tagasuporta.
Si Dra. Loudette ay nagtapos ng pre-med sa Ateneo de Manila University at ng medisina sa University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center (UERMMMC). Pinatunayan niyang kaya niyang abutin ang pangarap, hindi lang para sa sarili kundi para sa kanyang pamilya at sa mga taong kanyang mapaglilingkuran bilang doktor.
"Congratulations sa aming doktora Loudette for passing the 2024 Physician Licensure Board Exams! Certified doktora ka na, anak! You bring pride, joy, and honor to the whole family! Salamat sa pagtupad ng pangarap ni Daddy na magkaroon ng doktor sa pamilya. Thank you God talaga!" ani Revilla sa kanyang post.
Isang malaking karangalan at saya ang dulot ni Dra. Loudette sa pamilya Revilla, lalo na’t siya ang kauna-unahang doktor sa kanilang pamilya!
Kung maalala, last year lang ay pumasa sa bar exams naman ang anak nina Bong at Lani na si Atty. Inah Bautista Del Rosario, kaya talagang walang mapagsidlan ng kasiyahan ang pamilya Revilla dahil ngayon, hindi lang abogado kundi mayroon na rin silang doktor!
Kaya sa’yo, Doktora Loudette Bautista—mabuhay ka! You are now licensed to heal, at marami ang natutuwa at umaasa sa iyong mga susunod na tagumpay! Tiyak na maraming Pinoy ang matutulungan mo! -30-