“CASH GIFT PARA SA MGA LOLO AT LOLA, LALABAS NA SA ENERO” – REVILLA

Magandang balita para sa ating mga lolo at lola! Sa Enero, ilalabas na ang pondo para sa kanilang dagdag na benepisyo.

Ayon kay Senador Ramon Bong Revilla, Jr. na pangunaging nagsulong ng Republic Act No. 11982 o “Expanding the Coverage of Centenarians Act”, libo-libong mga lolo at lola ang makikinabang oras na ilabas na ang pondo para dito.

Sakop nito ang ating mga lola at lola na may edad na

80, 85, 90 at 95 at sila ay tatanggap ng P10,000 batay sa isinulong na batas ni Revilla.

Patunay ito ayon sa mambabatas na tuloy ang trabaho sa Senado at hindi siya nagbubutas ng bangko.

"Layon po ng batas na ito na mapaaga ang pagbibigay natin ng benepisyo para sa ating mga lolo at lola. Hindi na nila kinakailangan pang umabot ng 100 taong gulang para lamang makatanggap ng cash gift galing sa ating pamahalaan. 80 pa lang, bibigyan na natin sila agad. Pagdating ng 85, 90, at 95, bibigyan ulit natin sila. At kung ipagkaloob ng Panginoon na sila ay umabot ng isang daang taon, bibigyan natin sila ng mas malaking halaga bilang pagkilala sa kanilang narating,” saad ni Revilla.

Edward Sodoy