Revilla asks OP to consider 'no work-no pay' workers in "It's showtime" appeal
After the Movie Television Review and Clissification Board (MTRCB) denied on Thursday the motions for reconsideration filed by ABS-CBN Corporation and GMA Network, Inc. for noontime variety show “It’s Showtime,” Senator Ramon Bong Revilla asked the Office of the President (OP) to consider the 'no work-no pay' workers of the show when an appeal is filed before it.
"Without getting into the merits of the case, sana na-consider ng MTRCB ang kapakanan nung mga maliliit na staff at crew nung show na wala namang kinalaman at kasalanan dun sa nangyari," Revilla said. "Sila yung mga 'no work-no pay' na kung matutuloy ang suspension ay dalawang linggong walang kikitain at kakainin," he explained.
He believes ABS-CBN and GMA will file an appeal with the OP within the allowed 15-day period, and is confident that once it is reviewed, humanitarian considerations should be given importance.
"I think lessons have been learned," the lawmaker expressed. "Kung nagkaroon man ng pagkakamali, ang kasalanan ni Juan ay hindi kasalanan ni Pedro. So I hope we don't punish those working hard day in-day out just to eke out a living," Revilla ended. -30-
REVILLA UMAPELA SA PALASYO NA IKONSIDERA ANG ‘NO WORK-NO PAY’ WORKERS NG ‘IT’S SHOWTIME’
UMAPELA si Sen. Ramon Bong Revilla Jr. sa tanggapan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na ikonsidera ang mga ‘no work-no pay’ na mga manggagawa ng ‘It’s Showtime’ habang dinidinig pa umano ang apela hinggil dito.
Ang hakbang na ito ni Revilla ay bunsod ng ginawang pagbasura ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) noong nakaraang Huwebes sa isinumiteng motions for reconsideration ng ABS-CBN Corporation at ng GMA Network, Inc. para sa noontime variety show na ‘It’s Showtime.’
“"Without getting into the merits of the case, sana na-consider ng MTRCB ang kapakanan ng mga maliliit na staff at crew ng naturang show na wala namang kinalaman at kasalanan sa mga nangyari," paliwanag ni Revilla.
Binigyang diin ni Revilla na hindi niya pinakikialaman kung anuman ang kahihinatnan ng kaso ngunit labis umano siyang nababahala sa kalagayan ng mga manggagawa na labis na maapektuhan partikular ang mga magulang na may pinag-aaral na anak.
“Sila yung mga 'no work-no pay' na kung matutuloy ang suspension ay dalawang linggong walang kikitain at walang kakainin, lalo pa at kabubukas lang ng klase, paano na ‘yung mga batang nag-aaral na umaasa lamang sa magulang na empleyado ng naturang show” himutok pa ni Revilla.
Naniniwala si Revilla na magsusumite rin ng apela ABS-CBN at GMA sa tanggapan ng Pangulo sa loob ng 15-day period na pinapayagan naman at buo umano ang kaniyang kumpiyansa na kapag na-review ang pangyayari ay iiral na ang humanitarian considerations.
"I think lessons have been learned, kung nagkaroon man ng pagkakamali, ang kasalanan ni Juan ay hindi kasalanan ni Pedro. So I hope we don't punish those working hard day in-day out just to eke out a living," pagwawakas pa ni Revilla.