DONORS DUMAGSA SA BIRTHDAY BLOODLETTING PROGRAM NI SEN. BONG

DUMAGSA ang napakaraming volunteer na nais maghandog ng libreng dugo bilang bahagi ng taun-taong selebrasyon ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. para sa kaniyang ika-57 taong kaarawan.

Tinawag na ‘Dugong Alay, Pandugtong Buhay’ ang bloodletting program na ginanap sa Strike Gymnasium sa Bacoor Government Center kung saan pinangunahan mismo ni Sen. Bong ang pagdu-donate ng dugo.

Ang naturang programa na sinimulan noong pang 2007 ay malaking tulong hindi lamang para sa mga Caviteños kung hindi sa maraming Pilipino na nangangailangan ng dugo sa panahon ng kagipitan, lalo pa sa panahon na mahirap maghanap ng dugo.

Ngayong taon, ang butihing Senador kasama ang Dugong Alay, Dugtong Buhay Inc. na siyang nanguna para sa naturang programa ay nakakuha din ng suporta sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Army (PA), Philippine Air Force (PAF), Philippine Navy (PN) at marami pang iba na lahat ay nagpadala ng mga miyembro na maghahandog ng dugo.

Kasama rin sa mga nagpakuha ng dugo ang mga miyembro ng Fraternal Order of Eagles, Agimat Riders, Bacoor LGU, at iba’t-ibang non-governmental organizations.

Sa gitna ng programa ay nagbigay ng maikling pananalita si Sen. Bong na nagpahayag ng pasasalamat sa lahat ng mga walang sawang sumusuporta sa mga naturang programa kabilang na ang mga sponsors tulad ng Frabelle Foods, Sovit Cee, at ilang rotary clubs.

“Salamat at muling naging matagumpay ang taunang bloodletting na ito na isinagawa tuwing birthday ko, sana ay huwag kayong magsasawa sa pagtulong upang mas makatulong pa tayo sa mas marami nating kababayan” pagwawakas pa ni Sen. Bong.

-30-

Edward Sodoy