REVILLA LEADS BAYANIHAN RELIEF OPS TO AID FAMILIES AFFECTED BY MAYON ERUPTION
ALWAYS eager to assist his fellow Filipinos amid difficult situations, Senator Ramon Bong Revilla, Jr. led his Bayanihan Relief Operations in Albay Province recently to personally extend cash assistance to affected families of the ongoing eruption of Mayon Volcano.
Revilla made his rounds to the different towns in Albay circling Mayon Volcano - visiting Santo Domingo, Malilipot, Guinobatan, Camalig, Daraga, and Tabaco City.
More than 4,229 families received P5,000.00 cash aid each, which Revilla says will give the beneficiaries the flexibility to purchase their immediate needs.
The veteran lawmaker has been consistently rushing to the aid of our kababayans, especially during times of calamities and disasters.
“Ipinapaabot ko po ang aking taus-pusong pakikiisa sa inyong muling pagbangon at pagsulong. Tandaan niyo po ito. Lahat tayo dumadaan sa pagsubok, pero ang importante, lahat tayo ay patuloy pa rin bumabangon. Kaagapay niyo po ako dito”, Senator Revilla assured.
“Ang panalangin ko, matapos na sana itong sakunang ito at wala na sanang masaktan at masira pa. Wala akong ibang hiling kung ‘di ang agarang pagtigil ng panganib na dala ng bulkan”, he further remarked.
According to the National Disaster Risk Reduction and Management Council, around 20,000 people have already evacuated from the six-kilometer danger zone around the Mayon Volcano as of June 19, 2023. -30-
REVILLA PINANGUNAHAN ANG BAYANIHAN RELIEF OPS SA BULKANG MAYON
PINANGUNAHAN ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. ang isinagawang Bayanihan Relief Operations sa mga kababayan nating inilikas na sa iba’t-ibang evacuation center na nakapuwesto sa labas ng walong na kilometrong (8 km) radius na itinuturing na permanent danger zone sa paligid ng Bulkang Mayon sa Albay.
Personal na tinungo ni Revilla ang mga pamilya na nasa evacuation center sa iba’t-ibang bayan sa paligid mismo ng bulkan sa Santo Domingo, Malilipot, Guinobatan, Camalig, Daraga at Tabaco City.
Mahigit sa 4,229 pamilya ang nakatanggap ng P5,000.00 cash assistance bawat isa upang kahit paano ay makatulong umano sa mga gastusing kinakaharap ng mga nagsilikas.
Kilala si Revilla bilang isa sa palaging nakikitang rumiresponde sa mga kalamidad na kung hindi man nangunguna ay hindi talaga nagpapahuli at palaging may panahon kung pagtulong ang pag-uusapan.
“Ipinapaabot ko po ang aking taus-pusong pakikiisa sa inyong muling pagbangon at pagsulong. Lahat tayo ay dumadaan sa pagsubok, pero ang importante, lahat tayo ay patuloy pa ring bumabangon. Ang panalangin ko sana ay walang masaktan at masira pa. Wala akong ibang hiling maliban sa sana ay huwag matuloy ang nakaambang panganib na dala ng bulkan”, maikling pahayag ni Revilla.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nasa 20,000 katao ang inilikas na sa mga evacuation center mula sa dating six-kilometer ngunit ginawa ng eight kilometer danger zone sa paligid ng buong bulkan.
-30-