STATEMENT OF SEN. RAMON BONG REVILLA, JR. ON THE RECENT 6.2 MAGNITUDE CALATAGAN, BATANGAS EARTHQUAKE
Nakaka-alarma ang kakatapos lamang na lindol na tumama sa maraming parte ng bansa. The magnitude 6.2 earthquake that hit Calatagan, Batangas was felt in nearby areas, and reached as far as Metro Manila. Ikinabahala ng taumbayan ang pinsalang maaaring dala nito sa mga imprastraktura na maaaring magdulot pa ng lalong panganib.
We know how important public infrastructure is in times of crisis. It is where people would run to seek refuge. Mga ospital, kalsada, covered courts, gyms, at iba pa. Sa mga oras ng sakuna kung kailan hindi tiyak ang tibay ng kanilang kasalukuyang kinalalagyan, wala silang ibang nasa isip puntahan kundi ang mga pampublikong imprastraktura na tiwala silang matibay at makapagbibigay ng proteksyon.
This is why I urge key government instrumentalities to immediately be on the ground to assess the damage to these public infrastructures, and to urgently address pressing concerns that may endanger the safety and lives of our countrymen.
Sa panahon ng sakuna, ang maagap na pagkilos at pagresponde sa pangangailangan ng taumbayan para sa kanilang kaligtasan ay susi upang mabigyan sila ng hinahon sa gitna ng pangamba.
Bilang Chairperson ng Senate Committee on Public Works, inaatasan natin ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na agarang tugunan ang ano mang pangangailangang magiging dulot nitong malakas na lindol sa mga pampublikong imprastraktura katulad ng mga kalsada, gusali at mga tulay. Inspection of these infrastructures to assess and ensure their structural integrity must be done expeditiously in order to abate the damage and harm it may cause our people. Ang kailangang i-repair at i-retrofit ay gawin na agad, at ang mga dapat palitan ay simulan nang pag-aralan upang mabilisan nang maisama sa taunang budget. When disaster strikes, it’s vital not to waste time. Bawat segundo ay dapat may kalkulado nang estratehiya upang tiyaking matibay at mananatiling nakatayo ang mga pampublikong imprastraktura sa kabila nang sakuna.
Hindi natin mapipigil ang sakuna, ngunit maari nating pigilan ang lawak at laki ng pinsala nito sa atin kung may kahandaan. Public infrastructures should be as strong and resilient as the spirit of the Filipinos. And government response should be quick and efficient in order to cushion the inevitable consequences of the acts of nature. And the DPWH, as lead agency on public infrastructures, must always be perceptive and responsive in ensuring that these infrastructures on which people rely on, will not only be strong but resilient.
Habang naghihintay pa tayo ng balita sa lawak ng pinsala, sabay-sabay tayong manalangin para sa kaligtasan ng isa’t isa.