STATEMENT OF SENATOR BONG REVILLA ON SONA EXPECTATIONS

Siguradong tututukan ng bayan ang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Lunes.

With the overwhelming majority of Filipinos electing him into office, I am sure that hopes will be high.

Napakataas ng inaasahan ng marami nating kababayan kay PBBM at ramdam na ramdam ang pag-asang dala nito tungo sa pagbabago at pag-unlad ng bansa kaya ang lahat ng kaniyang sasabihin hinggil dito ay hinihintay ng marami.

Umaasa tayo na mababanggit sa SONA ng Pangulo ang plano para sa patuloy na pagpapalakas ng infrastructure spending ng gobyerno na sinimulan ni Former President Duterte. We will wait for his pronouncements on his plans and legacy projects that will catch us up to existing and future needs - specifically for health and education facilities, and traffic and flood mitigation projects.

We also look forward to his pronouncements para sa food security - agrikultura - na pinili niyang siya mismo ang mangunguna.

As we approach the end stages of COVID-19, sigurado akong tatalakayin ng Pangulo ang landas na tatahakin ng bansa at ang mga hakbang na gagawin ng pamahalaan para tuloy-tuloy ang pagbangon natin mula sa pandemya - both from the health care and management point of view and the economic point of view.

Kasama nating makikinig sa SONA ang mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, driver, tindero at iba pang nagsisikhay sa buhay na umaasang makakarinig ng gabay kung paano tayo sama-sama susulong tungo sa pag-unlad. Naniniwala ako na may magandang polisiya at programa ang administrasyong ito para sa mga manggagawang Pilipino na malaki ang nagiging ambag sa ating ekonomiya.

Napakarami pa ang inaasahan ng ating mga kababayan hinggil sa nalalapit na SONA at naniniwala akong maipaliliwanag lahat ito ni PBBM dahil sabi nga niya—ang pangarap natin ay pangarap rin niya. -30-

odyler villamor