SEN. REVILLA CALLS FOR INQUIRY ON FLOOD CONTROL PLANS; SEEKS MORE RESPONSIVE ACTION

Senator Ramon Bong Revilla Jr., filed a Senate Resolution calling for a legislative inquiry on the current status and viability of the government’s existing flood control master plan and pending flood control projects.

This is after Metro Manila and nearby provinces were hit just this weekend by flashfloods that alarmingly shocked many residents since the downpour only lasted a short span. Many affected commuters and drivers shared on social media video clips of roads that have become impassable.

The dilemma of flooding is not new to the plight of many Filipinos. However, the problem seems to have gotten worse over the years, especially with climate change which evidently affected natural calamities. Each passing year we witness more roads getting flooded, and more people getting endangered.

Being one of the most cyclone-prone countries in the world due to its geographical position, approximately 20 typhoons enter the Philippine Area of Responsibility annually. And as a consequence of these severe cyclones and heavy rainfall, the country is highly exposed to flooding.

“The country has repeatedly witnessed catastrophic flooding of communities. Matatandaan natin ang Ondoy at ang Yolanda. Naaalala pa rin natin ang Ulysses, and more tragic disasters in the recent decade. We cannot simply forget the unthinkable number of lives lost, complete devastation of areas directly affected, and the severe effects on living conditions and livelihood which led to a long-term negative impact on the health of many Filipinos and on the country’s economy”, Sen. Revilla said.

The Department of Public Works and Highways (DPWH), together with other mandated agencies such as the Metro Manila Development Authority (MMDA), is tasked to implement the ‘Flood Management Master Plan for Metro Manila and Surrounding Areas Project’, in close coordination with local government units.

DPWH has reported the completion of 13,224 flood control structures nationwide in the last 6 years, and MMDA claimed that pumping stations in the National Capital Region (NCR) are ready and at “100 percent” capacity for the coming rainy season during their last televised Laging Handa Briefing. However, despite the flood control management master plan of the government and the billions in annual budget allocated for the same under the administration of the DPWH and MMDA, flooding and its adverse effects continue to endanger many communities nationwide, especially during the rainy season.

Hence, these agencies should apprise the Senate on their current effort and the status of their plans to mitigate the ever-worsening flood problem not only in Metro Manila but also in other prone areas in the country.

“Mahalaga na maging maagap tayo at siguraduhing handa ang bayan bago pa man tumama ang sakuna. Hindi pwede ang petiks kung ang usapan ay ang kaligtasan ng taumbayan, at lalong hindi pwedeng magkibit-balikat kung ang problema ay paulit-ulit na pumepeste sa bayan. The commuting public have been laden with this decades-old issue. It is high time we look into this before it is too late”, Sen. Revilla emphasized.

PLANO SA FLOOD CONTROL PINABUBUSISI NI REVILLA

NAGHAIN ng resolusyon sa Senado si Sen. Ramon Bong Revilla Jr. na naglalayong magsagawa ng legislative inquiry hinggil sa kasalukuyang kalagayan at kung epektibo pa ba ang umiiral na flood control master plan ng pamahalaan, kasama na rin ang mga nakatenggang flood control projects.

Ito ay matapos na maalarma ang mga residente sa maraming lugar sa Metro Manila na sa loob ng napakaikling sandali ay biglang binaha ang mga kalsada, at hindi madaanan ng mga sasakyan dahil sa malakas na buhos ng ulan kung saan maraming mga commuters ang naapektuhan. Dumagsa nga ang mga video clips ng trahedya sa social media na nagpapakita ng rumasang baha na naging dahilan ng mabigat na daloy ng trapiko at pagka-stranded ng mga commuters.

Hindi naman umano bago sa mga Pilipino ang makaranas ng pagbaha ayon kay Revilla ngunit tila mas lumalala ang problema sa paglipas ng mga taon, lalo na at nakararanas na tayo ng climate change kung kaya't may mga lugar na bagaman hindi binabaha noon, ay napeperwisyo na ng baha ngayon. Ayon sa Senador, delikado ang ganitong sitwasyon lalo't siguradong naapektuhan nito hindi lang ang buhay at kabuhayan ng taumbayan, kundi ang kanilang kaligtasan.

Dahil umano sa geographical position ng ating bansa, humigit-kumulang sa 20 bagyo ang dumadaan sa ating Area of Responsibility (AOR) taun-taon at karaniwan, bukod sa dalang malakas na hangin ng bagyo ay may bitbit ding malakas na pagbuhos ng ulan kaya lantad ang maraming lugar sa pagbaha.

“Ilang ulit na tayong nakaranas ng grabeng sakuna dahil sa matinding pagbaha, natatandaan natin ang bagyong Ondoy, Yolanda at Ulysses na nag-iwan ng matinding alaala sa ating mga kababayan dahil sa dami ng nasawi at nasirang kabuhayan na labis na nakaapekto sa ekonomiya ng bansa” ani Revilla.

Ang Department of Public Works and Highways (DPWH), kasama ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at iba pang ahensiya ng pamahalaan ay inatasang ipatupad ang ‘Flood Management Master Plan for Metro Manila and Surrounding Areas Project’ sa pakikipagtulungan ng local government units.

Nauna rito ay ipinagmalaki ng DPWH ang kabuuan ng 13,224 flood control structures sa buong bansa sa nagdaang anim na taon, at inihayag din ng MMDA na ang mga pumping stations sa buong National Capital Region (NCR) ay handang-handa na may “100 percent” capacity para sa darating na tag-ulan.

Ngunit sa kabila ng flood control management master plan ng pamahalaan at bilyun-bilyong taunang pondo na inilaan sa DPWH at MMDA ay tila hindi na sapat ang kanilang sistema at paghahanda dahil patuloy pa ring nalalagay sa delikadong sitwasyon ang buong bansa sa tuwing darating ang tag-ulan.

Dahil dito ay nais ni Revilla na ang mga nabanggit na ahensiya ay magpaliwanag kung ano na ang kasalukuyang kalagayan ng kanilang plano upang hindi na maulit ang biglaang pagbaha na naganap kamakailan lang, at ang lumalalang sitwasyon pa ng pagbaha hindi lang sa Metro Manila kung sa ibang bahagi pa ng bansa.

“Mahalaga na maging maagap tayo at siguraduhing handa ang bayan bago pa man tumama ang sakuna. Hindi puwedeng sasabihin nilang handang-handa tapos hindi pala, paulit-ulit ang problema sa pagbaha at kaawa-awa ang ating mga kababayan kaya dapat tayong kumilos agad bago pa mahuli ang lahat”, paliwanag pa ni Revilla.

-30-

odyler villamor