Revilla suportado ang Magna Carta para sa mga Pinoy Seafarers
Suportado ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. ang Senate Bill No. 2369 sa ilalim ng Committee Report No. 289, na pinamagatang “An Act Instituting the Magna Carta of Filipino Seafarers” na magkasamang isinumite ng Committee on Labor, Employment, and Human Resources Development at ng Committee on Foreign Relations.
Kasabay nito ay nagpasalamat si Revilla kay Chairperson at kasama sa Senado na si Sen. Joel Villanueva dahil sa isang malaking karangalan umano na maging co-sponsor sa isang napakahalagang panukalang batas hinggil sa kapakanan ng marinong Pinoy.
Sinabi ni Revilla na tuwang-tuwa siya sa Committee on Labor sa ilalim ng pangangasiwa ni Villanueva dahil naipagpatuloy ang kaniyang pagsisikap noong 17th Congress na nakapagsagawa na ng mga committee hearings at ilang technical working group meeetings na humantong para makapagsumite ng naturang panukala