Revilla hinimay ang alegasyon patungkol sa double payment, overpricing, fund transfers kaugnay ang PS-DBM at DOH
HUMINGI ng paliwanag si Sen. Ramon Bong Revilla, Jr kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at sa Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) sa gitna nang isinasagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ito ay kaugnay sa pagbili ng umano’y overpriced na personal protective equipment (PPE) sets at iba pang medical supplies sa gitna ng COVID-19 pandemic. Paulit-ulit na kinuwestiyon ni Revilla ang P42 bilyon na ibinigay umano ng DOH sa PS-DBM para sa procurement ng naturang mga medical supplies upang matiyak na walang naganap na anomalya at nasunod ang tamang proseso at nagugol ng tama ang pondo.
Pinabulaanan din ng DOH at ng PS-DBM na may double payment na naganap sa pagitan ng mga deliveries ng naturang mga supplies na sinusugan din ng COA nang lahat sila ay isa-isang tanungin ni Revilla sa gitna ng naturang pagdinig.