Mabilis na ayuda ngayong lockdown
Mabilis na ayuda ngayong lockdown: KINALAMPAG ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. ang tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) hinggil sa pangako ng Palasyo na magbibigay ng cash aid o ayuda sa mga apektado nating kababayan upang tiyaking makakarating ito sa lalong madaling panahon.
“Hindi biro ang dalawang linggong lockdown na hindi basta-basta makalabas ng bahay ang ating mga kababayan partikular ang mga kababayan nating kailangang gumala para kumita o ‘yung tinatawag nating isang kahig-isang tuka dahil tiyak na nawalan sila ng hanapbuhay” saad ni Revilla.
Ayon pa kay Revilla, hindi lang katiyakan ang nais niyang ipaalala sa pamamahagi ng ayuda kung hindi ang karagdagang bilis upang sa mas maagang panahon ay makarating sa ating mga kababayan ang tulong na lubha nilang kailangan sa panahong ito ng lockdown.