REVILLA HINIKAYAT ANG DOH NA MAS LALO PANG PAGBUTIHIN ANG SERBISYO

new.jpg

NAGBIGAY ng pahayag si Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. sa isinasagawang pagdinig ng Senado hinggil sa ulat ng Commision on Audit (COA) na diumano ay maling paggugol ng pondo ng Department of Health (DOH) sa pagtugon sa kasalukuyang pandemya na nagdulot ng napakalaking kontrabersiya.

Sinabi ni Revilla na hindi umano ito ang panahon para maging emosyonal at sa halip ay makatulong sana umano ang naturang pagdinig upang makahanap ng solusyon sa halip na maglikha pa ng karagdagang problema.

Hinikayat din ni Revilla ang pamunuan ng DOH hanggang sa kaliit-liitang empleyado at healthcare workers na huwag panghinaan at mademoralisa bagkus mas lalo pang pag-ibayuhin ang nararapat na serbisyo para sa ating mga kababayan.

odyler villamor