BICAMERAL COMMITTEE NIRESOLBA ANG MGA KOMPLIKASYON SA ‘LPG INDUSTRY REGULATION ACT’ NA ISA SI REVILLA SA CO-AUTHOR

asd.jpg

Niresolba ng Bicameral Conference Committee ang mga hindi nagtutugmang probisyon sa Senate Bill No. 1955 na isa si Sen. Ramon Bong Revilla sa Co-Author at House Bill No. 9323, na isasaayos ang industriya ng liquefied petroleum gas (LPG).

Layon ng naturang panukala na makapagtakda ng standards at safety protocols para sa industriya ng LPG partikular sa mga importers, bulk suppliers, distributors, haulers, refillers, trademark owners, marketers, dealers at retail outlets.

Sa oras na mapagtibay ng House at Senado ang Bicameral Conference Committee report, ang naturang pinag-isang panukala ay agad na ipadadala ito sa Palasyo upang lagdaan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte.

“Malaking tulong ito para sa kaligtasan ng publiko lalo pa at naglipana na ang mga hindi lisensiyado o pekeng LPG tank na madalas ay nagiging mitsa pa ng sunog sa napakarami ng insidente” paliwanag ni Revilla.

Nakapaloob din sa ‘LPG Industry Regulation Act’ na magkaroon ng tamang proseso sa cylinder exchange and swapping program upang magkaroon ng pagkakataon ang consumers na makabili ng LPG brand na kanilang gusto.

“May mga insidente pa na ang bagong LPG tank ng isang consumer ay napapalitan ng substandard o lumang LPG tank, pero kapag naubos na ay hindi na ito tatanggapin ng mismong nagpalit nito dahil bulok na, kaya sa huli ay kawawa ang consumer” dagdag pa ni Revilla.

Sa pamamagitan umano ng naturang panukala ay mahihinto na ang illegal trade ng substandard ng LPG cylinder at magkakaroon pa ng proteksiyon ng mga kumukonsumo nito.

odyler villamor