SOCIAL AMELIORATION MUST GO ON BEYOND ECQ - BONG REVILLA

IMG_3569.jpg

Matapos po ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay matatapos na sa ibang lugar ng Pilipinas, at tuluyan nang luluwagan matapos ang May 15, mahalaga na ituloy ang pagbigay ayuda at suporta sa mga sektor na hindi pa magno-normalize.

Isa na po riyan ang sektor ng mga nagtatrabahong Senior Citizens, na base sa mga guidelines, ay hindi pa rin papayagang lumabas ng kanilang mga tahanan.

Sila po ay mga naghahanap-buhay hindi lamang para sa kanila, kundi pati para sa kanilang mga pamilya. Gusto na nila maghanapbuhay. But they will still be prohibited from working. Pero sabi nga nila, kung hindi COVID ang makadale sa kanila, malamang gutom na.

Base po kasi sa report ng World Health Organization (WHO) nitong April 27 lamang, sa kabuuang confirmed deaths sa bansa, 35.1% ang edad 70 years pataas, kasunod ang 60-69 years old na 34.3%. That's almost 70%, kaya naiintindihan natin ang dahilan kung bakit ayaw silang payagan ng pamahalaan na lumabas muna.

Pero, hindi dapat sila pabayaan. We should consider allowing them to work if they belong to any of the business sectors that will be opening up and normalizing. Kung hindi, dapat tuloy ang ayuda.

Edward Sodoy