TULONG SA LAHAT - BONG REVILLA
Nanawagan si Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. ngayon sa Ehekutibo na lawakanang mga benepisyaryo ng COVID-19 Social Amelioration program ng gobyerno. "Mukhang kailangan mas lawakan pa sa unang projection na 18 million families lang," aniya. Matapos itong iutos ng pangulo kahapon sa Department of Finance na maghanap ng karagdagang pondo para masiguro na umabot sa lahat ang tulong. "Matindi na ang epekto ng ECQ. Hindi na lang poorest of the poor ang kumakalam ang sikmura. Dapat lahat ng wala nang makain maabutan ng tulong," paliwanag ng Senador. Maganda sana na imbes na dalawang wave ng pag-release ng ayuda ang pinagpaplanuhan ngayon, gawin munang isang initial wave na makakarating sa kahuli-hulihang nangangailangan. "After nitong initial release, tsaka natin trabahuhin yung next wave," suhestiyon nito. "Mas marami kasi ang maaabot ng tulong. Roughly, doble ng bilang. Then, tsaka i-operationalize yung second wave." Ipinahayag din ni Revilla ang kanyang tiwala na mapopondohan ito ng Finance Department, na aniya na sa ilalim ng Bayanihan Act ay binigyan ang Executive ng kapangyarihan para dito. Ang Lehislatura naman, dagdag ng mambabatas, ay laging kaakibat sa paghahanap ng mga solusyon. "At kung kakailanganin na magkaroon ulit ng special session to amend the Bayanihan Act para maipatupad ito, tiyak ako na handa ang Kongreso at Senado," pagtatapos ni Revilla.
HELP ALL - BONG REVILLA
Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. today called on the Executive to consider expanding the beneficiaries of the government's COVID-19 Social Amelioration program. "Mukhang kailangan mas lawakan pa sa unang projection na 18 million families lang," he said. This came after the President's instructions yesterday to the Secretary of Finance to find additional sources of funds to ensure that help reaches all affected. "Matindi na ang epekto ng ECQ. Hindi na lang poorest of the poor ang kumakalam ang sikmura. Dapat lahat ng wala nang makain maabutan ng tulong," the lawmaker opined. Instead of planning for two waves of releases for choice families, Revilla suggested looking into the possibility of initially releasing a single wave that would reach all affected. "After this initial release, then we work on the next wave," he suggested. "If we do this, mas marami ang maaabot ng tulong. Roughly, doble ng bilang. Then, tsaka i-operationalize yung second wave." Revilla also expressed his optimism that the Finance Department would be able to fund this scheme, saying the Bayanihan Act has given the Executive powers to find means to do so. He also added that the Legislature will be always be available to contribute to finding solutions. "And if they say we need to hold another special session to amend the Bayanihan Act to make this happen, I am sure the Lower House and the Senate will be ready," Revilla ended.