Sen. Bong Revilla urges media platforms to abide by child-friendly content standards
Sen. Bong Revilla on Tuesday urged television stations in the country to abide by the Child-Friendly Content Standards (CFCS) which provide that 15 percent of stations’ airtime must be dedicated for viewers 18 years old and below. During the Hearing of the Senate Committee on Public Information and Mass Media, the veteran senator stressed that media content plays a big role in shaping the holistic development of Filipino children, and to curb the increasing rate of suicide and depression among their age bracket. The National Council for Children’s Television (NCCT) stated that 84 percent of Filipino children identify television as their main source of information. He also underlined the importance of creating more child-friendly shows now that the country is on a gradual shift from analogue to digital broadcasting, and even questioned why government-owned television stations cannot enforce child-friendly shows. “Since they are government-owned, hindi mahalaga ang profit e. Ang importante, we get our message across,” he said. “Dapat paigtingin din natin ang paglikha ng mga palabas na hindi lamang may magandang aral, at nagpapalaganap ng ating kultura bilang Pilipino,” Revilla added. He also expressed his support in NCCT’s media literacy drive beginning from the grassroots level.
CHILD-FRIENDLY SHOWS ISINULONG NI REVILLA
HINIMOK ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. ang lahat ng television station sa bansa na sundin ang Child-Friendly Content Standards (CFCS) na maglalaan ng 15 porsiyento ng stations’ airtime para sa mga manonood na 18 anyos pababa.
Sa gitna ng pagdinig sa Senate Committee on Public Information and Mass Media, sinabi ni Revilla na ang mga ipinapalabas sa telebisyon ay gumaganap ng malaking papel sa paghubog ng mga kabataang Pinoy at malaking tulong para mabawasan ang pagtaas ng depression at pagpapatiwakal ng mga kabataan.
Ang National Council for Children’s Television (NCCT) ay nagpahayag na 84 porsiyento ng kabataang Pilipino ay ginagawang batayan ng lahat ng impormasyon ang panonood ng telebisyon.
Iginiit pa ni Revilla na ang kahalagahan ng pagbubuo ng maraming child-friendly shows lalo pa at unti-unti nang nagkakaroon ng pagpapalit mula analogue patungo sa digital broadcasting.
Kasabay nito ay kinuwestiyon din ni Revilla ang ilang government station kung bakit hindi nangunguna sa pagbuo ng child-friendly shows.
“Since they are government-owned, hindi mahalaga ang profit e. Ang importante, we get our message across,“Dapat paigtingin din natin ang paglikha ng mga palabas na hindi lamang may magandang aral, at nagpapalaganap ng ating kultura bilang Pilipino,” pagwawakas ni Revilla.