Southern Tagalog Regional Hospital to cater better services to wider clientele

viber_image_2020-01-22_10-17-09.jpg

Sen. Bong Revilla on Tuesday expressed high hopes that the formal turnover of supervision and control of the Southern Tagalog Regional Hospital from the City Government of Bacoor to the Department of Health will improve health and medical services, and cater to a wider clientele especially the marginalized sector. The veteran legislator also complimented incumbent Mayor Lani Mercado-Revilla and Cavite 2nd District Representative Strike Revilla for ensuring the smooth operation of the district hospital utilizing funds from the local government unit. He likewise commended the two officials for pushing the passage of Republic Act 11233 upgrading the Bacoor District Hospital to a Level III General Hospital, to be known as the Southern Tagalog Regional Hospital, under the direct supervision and control of the Department of Health. “Kasabay niyan, tuloy-tuloy na itinulak ni Mayor Lani at Congressman Strike sa Kongreso ang pagpapalawak nito to a 100-bed hospital ran by the DOH. At dahil sa pagtutulungan na ‘yan, nandito na tayo ngayon,” Revilla said. “Sinigurado po natin na may nakalaan na additional budget ito sa 2020 General Appropriations Act para sa pagbili ng karagdagang lupa at pagtatayo ng karagdagang pasilidad ng hospital. Lalo pa nating pagagandahin at palalawakin ang serbisyo ng ating ospital,” the senator added. Level III is the highest category among general hospitals in the Philippines according to the guidelines set by the DOH. A hospital under this category offers high-level specialty in Medicine, Pediatrics, Obstetrics, Gynecology, Surgery. It must also have Dialysis Treatment Facilities, Physical Medicine and Rehabilitation Unit, Ambulatory Surgical Clinic, Blood Bank, a DOH-licensed tertiary clinical laboratory with standard equipment/reagents/supplies necessary for the performance of hispathology examination, and a DOH-licensed level 3 imaging facility with interventional radiology. Prior to the establishment of the Southern Tagalog Regional Hospital, there is only one DOH hospital in CALABARZON located in Batangas Province.

PINALAWAK NA SERBISYO NG SOUTHERN TAGALOG HOSPITAL

MALAKI ang pag-asa ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. na ang pormal na pagsalin ng pamamahala ng Southern Tagalog Regional Hospital mula sa pamahalaan ng Bacoor City patungo sa Department of Health (DOH) ay mas lalong mapapaganda ang serbisyong kalusugan at medikal. Pinuri rin ni Revilla ang kaniyang maybahay na kasalukuyang Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla at nakababatang kapatid na si Cavite 2nd District Representative Strike Revilla dahil sa pagtiyak ng maayos na operasyon ng naturang pagamutan gamit ang pondo ng lokal na pamahalaan. Pinasalamatan din ng Senador ang dalawang opisyal dahil sa pagsulong ng mga ito sa pagpasa ng Republic Act 11233 upang maitaas ang Bacoor District Hospital sa Level III General Hospital na ngayon ay Southern Tagalog Regional Hospital na, sa ilalim ng pamamahala at kontrol ng DOH. “Kasabay n’yan ay tuluy-tuloy na isinulong ni Mayor Lani at Rep. Strike sa Kongreso ang pagpapalawak nito na maging 100 bed capacity ang naturang pagamutan sa pamamahala nga ng DOH at dahil sa pagtutulungang ‘yan ay nandito na tayo ngayon” paliwanag ng Senador. Tiniyak pa ng Senador na may nakalaang karagdagang pondo para sa 2020 General Appropriations Act para sa pagbili ng karagdagang lupa at pasilidad ng ospital upang mapalawak pa lalo ang serbisyo nito. Nabatid na ang Level III sa mga general hospitals ang pinakamataas na kategorya sa panuntunang itinakda ng DOH na maaaring mag-alok ng mataas na specialty sa Medicine, Pediatrics, Obstetrics, Gynecology at Surgery. Mayroon ding Dialysis Treatment Facilities, Physical Medicine at Rehabilitation Unit, Ambulatory Surgical Clinic, Blood Bank, DOH-licensed tertiary clinical laboratory with standard equipment/reagents/ supplies na kailangan para sa performance ng hispathology examination at DOH-licensed level 3 imaging facility with interventional radiology. Bago pa naitatag ang Southern Tagalog Regional Hospital ay mayroon lamang nag-iisang ospital ang DOH sa CALABARZON na nasa Lalawigan ng Batangas.

Edward Sodoy