EXTENSION WELCOME, BUT RFID ISSUES STILL NEED TO BE FIXED—REVILLA
“We welcome the extension of one month. Malaking bagay yan. Pero magiging balewala kung hindi pa rin aayusin ng mga tollway operators ang sistema sa pagkuha ng RFID.”
This is Sen. Ramon Bong Revilla, Jr.'s reaction to the decision of the Department of Transportation (DOTr) to move the deadline to shift to cashless tollways from November 2 to December 1, to address the issues plaguing motorists in obtaining the corresponding radio-frequency identification (RFID) stickers. Revilla, who is Vice-Chairman of the Senate Committee on Public Services, earlier scolded tollway operators Metro Pacific Tolways Corp. (MPTC) and San Miguel Corporation (SMC) for not being ready for the impending shift.
MPTC operates the North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), C5 Link, and Cavite-Laguna Expressway (CALAX). SMC meanwhile operates the South Luzon Expressway (SLEX), Skyway, NAIA Expressway (NAIAX), Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX), Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX), and Star Tollways.
The lawmaker underscored the need for the two operators to implement changes in their installation system and procedures, saying that the extension will be dor naught if the same confusing and inadequate system prevails.
He specifically criticized the cut-off of only 100 stickers per day of installation centers, while fixers and online sellers seemingly have an endless supply of RFID tags. "Because of the cut-off, it appears there is a shortage, but unscrupulous individuals have a bottomless well of supply," he said. "Napakarami naming natatanggap na reklamo tungkol sa mga nagaalok magkabit ng RFID sa halagang P250 para sa sticker na P100 lang ang load. At hindi sila nauubsan ng supply," he added.
"Nakapagtataka kung saan sila kumukuha ng RFID, tapos ang mga motorista walang makuha," the solon wondered. “Hanggat hindi sila nagdadagdag ng mga installation center na hindi kinakapos sa RFID, hangga’t hindi nila inaalis ang mga fixer na wala nang inabangan kung hindi ang cut-off ng mga installation center ay hindi magiging maayos ang lahat” Revilla stressed.
The Senator also asked MPTC and SMC to provide covered areas in their installation centers. This is because the RFID tags could be installed when raining. He explained that providing tents or looking for covered driveways are simple enough solutions to ensure the continuous RFID installation despite rains.
WELCOME ANG EXTENSION, PERO AYUSIN PA RIN ANG SISTEMA SA PAGKUHA NG RFID—REVILLA
“Salamat sa extension. Malaking bagay yan. Pero magiging balewala kung hindi pa rin aayusin ng mga tollway operators ang sistema sa pagkuha ng RFID.” Ito ang pahayag ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. matapos agarang kumilos ang Department of Transportation (DOTr) upang kahit paano ay maibsan ang kaguluhang dinanas ng publiko sa kakulangan ng sistema sa pagkuha ng radio-frequency identification (RFID) stickers. Natinag ang DOTr sa pagpapatupad ng mandatory cashless transaction sa lahat ng expressway mula Nobyembre 2, na iniurong nito ng isang buwan, o sa Disyembre 1 na. Naunang kinastigo ni Revilla, na Vice-Chairman ng Senate Committee on Public Services, ang mga toll operators at inudyukang ayusin ang nilikhang kaguluhan sa pagkuha ng RFID.
Inalmahan ng mga motorista ang pinairal na sistema ng tollway operators na Metro Pacific Tolways Corp. (MPTC) at San Miguel Corporation (SMC) na tila hindi pinaghandaan ang pag-shift sa kanilang RFID systems. Ang MPTC ang nagpapatakbo sa North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), C5 Link, at Cavite-Laguna Expressway (CALAX).Ang SMC ang namamahala sa South Luzon Expressway (SLEX), Skyway, NAIA Expressway (NAIAX), Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX), Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX), at Star Tollways. Sinabi pa ni Revilla na mababalewala lamang ang palugit na ibinigay ng DOTr kung patuloy na magpapakita ng kahinaan at kawalang kakayahan ang mga tollway operators sa pamamahagi ng RFID na nagdulot ng malaking kaguluhan.
Binatikos din ni Revilla ang mga installation center na nagpapatupad ng cut-off na hanggang 100 piraso lamang na RFID sticker kada araw. Ayon sa mambabatas, lumalabas na may kakulangan sa sticker kahit na napakaraming mga tilang fixer na sinasamantala ang sitwasyon. "Napakarami naming natatanggap na reklamo tungkol sa mga nagaalok magkabit ng RFID sa halagang P250 para sa sticker na P100 lang ang load. At hindi sila nauubsan ng supply," ani Revilla. "Nakapagtataka kung saan sila kumukuha ng RFID, tapos ang mga motorista walang makuha," dagdag nito.
“Hanggat hindi sila nagdadagdag ng mga installation center na hindi kinakapos sa RFID, hangga’t hindi nila inaalis ang mga fixer na wala nang inabangan kung hindi ang cut-off ng mga installation center ay hindi magiging maayos ang lahat” ayon pa kay Revilla.
Inatasan din ng Senador na maglagay ng mga covered areas sa kanilang mga installation center ang mga operator dahil hindi umano maaaring ikabit ang RFID tag habang umuulan. Ayon pa rito, napaksimple naman na maglagay ng tolda o pumili ng covered driveways para tuloy-tuloy ang pagkakabit ng RFID kahit umuulan.