Sen. Bong Revilla files second batch of bills
Senator Ramon Bong Revilla, Jr. today filed his second batch of priority bills after filing his first ten last week.
In line with his campaign commitments, the lawmaker filed three bills for the elderly and senior citizens – the “Centenarians Act of 2019”; Lowering the age of senior citizens from 60 to 56; and the establishment of an Elderly Care and Nursing Complexes all over the country.
Under the “Centenarians Act of 2019,” the P 100,000 incentive for Filipinos reaching the age of 100 shall be given in three tranches: P25,000 upon reaching 80 years old; another P25,000 upon reaching 90; and the remaining P 50,000 upon reaching 100 years old.
The Senator is also pushing for the lowering of the legal age of senior citizens from 60 to 56. This is in consonance with his other bills lowering the retirement age of workers to 56 so that employees may opt to retire and enjoy their benefits while still physically capable. Revilla also proposed an amendment to the Social Security System (SSS) Act so that contributors will start receiving their pensions at the age of 55 provided that they have contributed for 120 months prior to their retirement. At present, SSS beneficiaries need to wait until 60 years old before they can be granted their monthly pension.
“May mga bills tayo na nais ibaba ang retirement age sa 56, at sa pamamagitan ng panukala naming ito, maha-harmonize natin ang batas,” Revilla said. “Sa pagretiro, makikinabang na rin sila sa benepisyo sa ilalim ng batas, at magkakaron sila ng higit pang panahon na i-enjoy ang kanilang retirement. Magbubukas din ito ng pagkakataon para sa bagong pag-empleyo dahil mas maaga nilang mababakante ang kanilang mga trabaho,” he added.
The veteran senator also filed the ‘Magna Carta for Daycare Workers” which aims to protect the rights and ensure the benefits of day care workers. “Gusto nating gawing regular sila, na may pare-pareho, pantay-pantay, at regular na sahod at benepisyo. Hindi yung katulad ngayon na may daycare worker minsan lang sa isang taon nabibigyan ng allowance, kakarampot pa,” the lawmaker explained.
Revilla also filed the Senate counterpart of the “Eddie Garcia Law” which will provide specific Occupational Health and Safety Standards for actors and workers in the movie and television industry.
For health care, Revilla filed the “Family Medical Leave Act” which will grant employees a maximum of 15 days paid leave to personally look after an immediate family member suffering from serious medical conditions, and the “Comprehensive Renal Replacement Act of 2019” which provides free dialysis for indigent patients.
To resolve the long-standing cry of public school teachers, Revilla filed a bill to elevate the salary of entry-level teachers from SG 11 to SG 15.
He also filed the “Magna Carta for Filipino Seafarers” to protect the rights, welfare and status of our local seafarers while fcompleting their contracts overseas.
The filing of bills were done in accordance with the schedule being implemented by the Senate. Revilla is set to file over 100 bills before the session opens on July 22.
Sen. Bong Revilla, naghain ng 10 bagong panukalang batas
Naghain Lunes ng umaga si Sen. Bong Revilla, Jr. ng 10 panibagong panukalang batas isang linggo matapos niyang naghain ng kanyang unang 10 panukala.
Bilang pagtupad sa kanyang pangako noong panahon ng halalan, naghain si Revilla ng tatlong batas para sa Senior Citizens: Ang “Centenarians Act of 2019”, ang pagpapababa ng edad ng senior citizens sa 56 mula 60; at ang pagpapatayo ng Elderly Care and Nursing Complex sa ibat ibang lugar sa bansa upang may pasilidad na tutugon sa pangangalaga sa ating mga senior citizens.
Sa ilalim ng “Centenarians Act of 2019,” hahatiin sa tatlong bahagi ang P100,000 ayuda na kasalukuyang binibigay lamang sa umaabot ng 100 taong gulang. P25,000 ay ibibigay na agad sa mga senior citizens pagtungtong nila sa edad 80. P 25,000 sa edad 90, at P 50,000 sa pag-abot ng 100 taon. Ayon kay Revilla, kailangan amyendahan ang kasalukuyang batas dahil kakaunti lamang ang nakakaabot sa pagiging“centenarian.”
Samantala, isinusulong din ni Revilla ang pagpapababa ng edad ng senior citizens upang maaga nilang mapakinabangan ang kanilang mga benepisyo at mas magkaroon sila ng sapat na panahon kasama ang kanilang pamilya.
Kaugnay nito, inihain ni Revilla ang panukala na nag-aamyenda ng sakop at saklaw ng Social Security System (SSS) Act upang mas maagang makatanggap na ng buwanang pensyon ang isang benepisaryo edad 55 kung nakapaghulog na siya ng kontribusyon sa loob ng 120 buwan bago siya magretiro. Sa kasalukuyan, tanging mga benepisaryo edad 60 pataas lamang ang maaaring makatanggap ng buwanang pensyon mula SSS.
"May mga bills tayo na nais ibaba ang retirement age sa 56, at sa pamamagitan ng panukala naming ito, maha-harmonize natin ang batas,” ayon kay Revilla. “Sa pagretiro, makikinabang na rin sila sa benepisyo sa ilalim ng batas, at magkakaron sila ng higit pang panahon na i-enjoy ang kanilang retirement. Magbubukas din ito ng pagkakataon para sa bagong pag-empleyo dahil mas maaga nilang mababakante ang kanilang mga trabaho,” dagdag niya.
Inihain din ng beteranong senador ang "Magna Carta for Daycare Workers” na naglalayong pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng day care workers sa bansa. “Gusto nating gawing regular sila, na may pare-pareho, pantay-pantay, at regular na sahod at benepisyo. Hindi yung katulad ngayon na may daycare worker minsan lang sa isang taon nabibigyan ng allowance, kakarampot pa,” paliwanag ng mambabatas.
Inihain din ng beteranong mambabatas ang ‘Magna Carta for Daycare Workers” na magsisilbing garantiya na mabibigyan ng proteksyon at karampatang benepisyo ang mga day care worker. Sumunod dito ang batas na tinaguriang “Eddie Garcia Law” o Occupational Health and Safety Standards para sa mga artista at manggagawa sa industriya ng pelikula at telebisyon.
Sa larangan naman ng kalusugan, may dalawang panukala si Revilla para sa mamamayang Pilipino. Una dito ang “Family Medical Leave Act” na nagbibigay ng 15 days paid leave para sa mga empleyado upang personal na maalagaan ang kanilang mga kaanak na may malubhang karamdaman; at ang “Comprehensive Renal Replacement Act of 2019” na naglalayong magbigay ng libreng dialysis para sa mga pasyenteng kapus-palad.
Bilang pagtugon sa napakatagal nang panawagan ng mga guro na itaas ang kanilang sahod, ihinain ni Revilla ang salary increase ng entry-level teachers mula SG 11 sa SG 15.
Sa huli, ipinanukala ng nagbabalik na senador ang “Magna Carta for Filipino Seafarers” na naglalayong pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga manlalayag.
Ang paghain ng 20 panukala ni Revilla ay alinsunod sa "schedule" na itinakda ng Senado. Higit 100 panukala ang ihahain ni Revilla bago ang SONA ni PDu30 sa Hul. 22.