Sen. Bong Revilla Manok Ng Albay
NAKUHA ni Sen. Bong Revilla ang suporta ng Lalawigan ng Albay nang dumalo ito sa pagbubukas ng taunang pagdiriwang ng Magayon Festival na isinagawa sa Legaspi City.
Ang Magayon Festival na binubuo ng mga street dance at iba pang aktibidades ay dinadayo ng mga turista at maging ang mga taga-Bicol ay nagsisiuwi ng nasabing lalawigan upang saksihan ang halos isang buwan na okasyon.
Si Revilla na nagdagdag ng saya sa naturang pagdiriwang ay personal na inasikaso ni Albay Governor Al Francis Bichara at nagkaroon ng pagkakataon na makapagsalita upang ilatag ang kaniyang plataporma.
Binigyang diin ni Revilla na nais niyang itaas ang antas ng pamumuhay ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng disenteng pasuweldo particular ang mag nurses, teachers at barangay health workers.
Si Revilla na umakda ng 614 panukalang batas at 223 sa mga ito ay umiiral ng mga batas ay nangakong mas lalo pa niyang pagbubutihin ang paglilingkod sakaling mabigyan ng pagkakataong mabalik sa Senado.
Sa puntong ito ay tiniyak ni Bichara kasama ang mga mayor ng buong Lalawigan ng Albay na si Revilla ang kanilang manok sa darating na eleksiyon para Senador.