Sen. Bong Revilla Suportado ang Sigaw Ng Mga Manggagawa

Inaasahang kabi-kabilang protesta ang isasagawa ng iba’t-ibang grupo ng mga manggagawa na naging kaugalian na sa tuwing sasapit ang Labor Day bilang bahagi ng taun-taong paggunita.

Ang taun-taong protesta na karaniwang kinapapalooban ng mga parada bilang pangunahing programa sa Araw ng Paggawa ay kinapapalooban ng malakas na sigaw hinggil sa dagdag-sahod ng mga manggagawa.

Dito ay nakikiisa si Sen. Bong Revilla sa hinaing ng mga manggagawa dahil isa ito sa kaniyang prayoridad na mabigyan ng disenteng pasuweldo ang mga manggagawa sakaling mabalik siya sa Senado.

Sinabi ni Revilla na sa halip na sisihin ang mga manggagawa sa kanilang isinasagawang protesta ay dapat silang harapin, unawain at gawan ng solusyon upang makapamuhay umano ng maayos.

Nabatid na palaging isinisigaw ni Revilla sa kaniyang mga kampanya na itaas ang antas ng pamumuhay ng mga manggagawa kasama ang mga nurses, teachers at barangay health workers kahit hindi Labor Day.

Idinagdag pa ni Revilla na dahil may mga protesta sa hanay ng mga manggagawa ay hindi maisasaisantabi na mayroong kinakaharap na problema ang mga mahihirap nating kababayan na nangangarap din makalasap ng kahit kaunting kaluwagan sa buhay.

Dahil dito ay tiniyak ni Revilla na kaunting panahon na lamang ang ipaghihintay ng ating mga manggagawa dahil prayoridad ng nagbabalik na Senador na bigyan ito ng solusyon sakaling muli siyang mabigyan ng pagkakataon sa Senado.

Bong Revilla.jpg
Bong Revilla.jpg
Bong Revilla.jpg
PR Team