Pagiging Pro-labor ni Sen. Bong Revilla, tinukoy ng Labor groups
Tinukoy ng lokal na labor groups sa kanilang pag-aaral ang mga programa at polisiyang pang-lehislatura ni Sen. Bong Revilla para sa karapatan, kapakanan, at kaunlaran ng sektor ng manggagawa sa bansa.
Ayon sa datos na inilabas ng Defend Jobs Philippines, nagtala ng “favorable stand” si Revilla sa mahahalagang isyu ng sektor ng paggawa, kabilang ang pag-tapos sa kontraktuwalisasyon, dagdag sahod, benepisyo, occupational health and safety, right to organization, trade union repression, child labor, labor export policy and migration, at poverty alleviation.
Ang mga nasabing isyu ay natukoy ng organisasyon sa kanilang #LaborVote2019 campaign upang mapag-isa ang sektor ng mga manggagawa sa paghalal ng mga kandidatong ipaglalaban ang kanilang karapatan at kapakanan.
“Proud po tayo na nakita ng Defend Jobs Philippines ang tuloy-tuloy nating pagsulong sa karapatan at kapakanan ng mga manggagawa,” ani Revilla.
“Malinaw po yan sa ating track-record at isinusulong na plataporma. Matibay ang ating paninindigan para sa sektor ng paggawa,” dagdag nito.
Sa kanyang mga nakaraang termino, ihinain ni Revilla ang Senate Bill No. 1981 para sa P 125-daily-across-the-board wage increase, at Senate Bill No. 2928 na naglalayong dagdagan ng P 6,000 ang sahod ng mga empleyado ng pampublikong sektor. Isinulong din niya ang Senate Bill No. 1025 para sa pamamahala at pagpapatupad ng occupational health safety na naglao'y naisabatas bilang R.A. 11058.
Bilang isang “pro-labor” na mambabatas, ginamit ni Revilla ang kanyang mandato sa pag-akda ng mga batas na mangangalaga sa sektor ng paggawa, kabilang na ang wage increase, occupational safety, benefits, minimum wage, at marami pang iba.