Sen. Bong Revilla at 'Nanay Liwayway' muling nagkita matapos ang 30 taon

Madamdaming reunion. Mabilis at payakap na hinarap ni Senador Bong Revilla si Dra. Liwayway Gacusan sa pagbisita nito sa Candon, Ilocos Sur Biyernes ng umaga.

Si Nanay Liwayway ang kumupkop kay Senador Bong ng isang linggo mahigit 30 taon na ang nakalilipas nang ma-stranded ito sa Ilocos Sur dulot ng napakalakas na bagyo at pagkasira ng tulay.

Naging mainit at emosyonal ang pagtatagpo ng dalawa, lalo pa't ayon sa matanda, ilang beses nitong tinangka bumisita sa dating Senador sa Camp Crame noong nakapiit pa ito, ngunit laging naging bigo dahil ayaw siyang papasukin ng mga pulis.

PR Team