Reaction of Senator Ramon Bong Revilla, Jr. on the President’s SONA
Hindi ako kasama sa 3 percent (dissatisfied) na sinasabi ng Presidente.
Naging malaman, makabuluhan at komprehensibo ang higit 93-minutong SONA ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Duterte kahapon. Masusi niyang tinalakay ang mga pinakamahalaga at pinakamainit na isyu ng ating bansa na konektado sa ekonomiya, edukasyon, trapiko, usaping pang-teritoryo, maigting na paglaban sa korapsyon, pagtataguyod ng kapayapaan at marami pang iba. This SONA shows why the President continues to be endeared by the people. His candidness and no nonsense demeanor shows his continuous transparency.
I personally support the President’s call to reinstate capital punishment for offenses related to drugs and plunder. Dagdagan ko lang na dapat may parusa rin na kamatayan for those who falsely and maliciously accuse others of these offenses.
Bilang isa sa kanyang mga pangunahing programang pampamahalaan, nakatutuwa din ang patuloy na pag-usbong ng “Build, Build, Build” program ng ating pangulo sa pamamagitan ng mga imprastrakturang panglupa, pandagat, panghimpapawid at pangkomunikasyon.
Naipaliwanag din niya ng maayos ang paninindigan ng ating pamahalaan sa sigalot sa West Philippine Sea. Lokal man o pandaigdigang batas, malinaw na atin ang WPS. No ifs, no buts.
Sa usaping fiscal reform, buo ang suporta natin sa mga programa ng ating pangulo, kailangan lang mabuo ng maganda ang mga gagawing polisiya.
Higit sa lahat, nakatutuwang isipin na ilan sa mga pinakamahalagang panawagan ni PDU30 na dapat aksyunan ng mababang kapulungan ay katugma at kasama sa 100 na inihain natin sa Senado bago pa mag-SONA.
I fully support the call of the President to enact the Magna Carta for Barangay Workers. Isa po yan sa aking legislative priorities at nagpapasalamat tayo sa pangulo sa pagiging prayoridad niya rin nito.
Naghain din tayo ng batas upang itaguyod ang Department of OFW’s; ang pagtataguyod ng Department of Disaster Management at pagtatalaga ng permanent item para sa disaster officer sa bawat LGU; at ang pagtataas ng sweldo ng mga teacher at nurse na agad nating tatrabahuhin.
Kung susumahin, ang SONA ng pangulo kahapon ay matibay na patunay na nananatiling buo ang suporta, tiwala, at pagmamahal ng sambayanang Pilipino sa pamumuno ni Pang. Duterte.