'Basic first aid' essential in boosting tourism- Revilla
Basic first aid training should be mandatory for all tourism-oriented enterprises, non-government organizations and individual service providers to ensure the safety of local and foreign tourists visiting the country.
This is the rationale behind Senate Bill No. 802 filed by Sen. Bong Revilla which aims to make basic first aid training a requirement for renewal of business licenses for 39, 325 tourism-related micro, small and medium enterprises all over the country.
Revilla believes that making basic first aid training a requirement will help sustain the increase in tourist arrivals in the country which reached 7.59 percent this year.
Basic first aid shall be provided by the Philippine National Red Cross (PNRC) and other reputable training institutions in the country.
Concerned local government units (LGUs) will be required to submit a sworn statement attesting that their personnel have undergone trainings. Each LGU shall also facilitate the registration of each personnel from any tourism-related service provider, and ensure that tourism enterprises have their own first aid kits.
"Dumarami ang bilang ng mga turista na nadidisgrasya habang nagbabakasyon. If we want to be a competitive tourist destination, we have to ensure that an emergency system is in place" Revilla said.
"Kung gagawin nating mandatory ang basic first aid kit sa mga tourism establishment sa bansa, mas makatitiyak na lahat ng Pilipino at mga dayuhang turista, ligtas na makapag-eenjoy saan man sila magbakasyon," he added.
The veteran senator also said that having a basic first aid system will boost the reputation of the country as an international haven for tourism, and will attract more local and foreign visitors.
‘BASIC FIRST AID’ IPATUTUPAD SA TOURISM INDUSTRY-REVILLA
KAILANGANG sumailalim sa pagsasanay hinggil sa basic first aid ang lahat ng personalidad na sangkot sa tourism enterprises, tourism-oriented non-government organizations at anumang organisisasyon o indibidwal na sangkot sa pagbibigay ng serbisyo na may kinalaman sa aktibidades ng turismo.
Ito ang pangunahing nilalaman ng panukalang batas (Senate Bill No. 802) na isinumite ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. na naglalayong isailalim sa pagsasanay ang may 39,325 tourism-related micro- small o medium enterprises sa buong bansa bago ito makapag-renew ng business permit.
Ang naturang mga tourism-related enterprises ay aktibong lumahok sa 2014 Survey of Tourism Establishments in the Philippines (STEP) na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Nainiwala si Revilla na kung gagawing requirement ang basic first aid training ay makakatulong ito ng malaki para mapataas ang bilang ng mga magdaratingang turista sa bansa na umabot lamang sa 7.59 porsiyento ngayong taon.
Ang nabanggit na pagsasanay ay pangangasiwaan ng Philippine National Red Cross (PNRC) at iba pang katiwa-tiwala at respetadong training institutions sa bansa.
Ang mga local government units (LGUs) ay aatasang magsumite ng sworn statement na magpapatunay na may sumailalim sa naturang pagsasanay. Bawat LGU ay mag-aasikaso rin ng registration ng bawat isang personnel na mula sa kahit anong tourism-related service provider at matiyak na bawat tourism enterprises ay may sariling first aid kits.
“Dumarami ang bilang ng mga turista na nadidisgrasya habang nagbabakasyon , If we want to be a competitive tourist destination , we have to ensure that an emergency system is in place” saad ni Revilla.
Idinagdag pa ni Revilla na kung gagawing mandatory ang basic first aid kit sa mga tourism establishment sa bansa, mas makatitiyak umano ang lahat ng Pilipino at mga dayuhang turista na ligtas na makapag-eenjoy saan man sila magbakasyon.
Siniguro pa ni Revilla na ang sistema ng pagkakaroon ng basic first aid ay isa sa magtutulak na maitaas ang reputasyon ng bansa bilang isang international haven for tourism at makakaingganyo ng maraming local at foreign visitors.