CAVITE SOLONS PINASALAMATAN, KINILALA ANG DSWD SA WALANG KAPAGURANG SERBISYO

Kinilala nina Senador Bong Revilla at Cavite 1st District Representative Jolo Revilla ang mabilis na aksyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pangangailangan ng mga biktima ng Bagyong Paeng sa lalawigan ng Cavite. Wala pang 24 oras matapos na tamaan ng Bagyong Paeng ang Cavite ay naroon na sina DSWD IV-A Regional Director Barry Chua at ARD Myla Gatchalian, kasama ang Senador at Kongresista na naghatid ng 4,000 family food packs sa Bacoor, Kawit, Noveleta at Tanza. At simula noon ay araw-araw nang walang patid ang delivery ng family food packs sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng sa lalawigan ng Cavite.

Sa kabila ng mga balakid dulot ng epekto ng bagyo, tuloy-tuloy ang pagmamahagi ng DSWD ng tulong sa mga nasalanta.

Samantala, ipinahayag ng mag-amang Revilla ang kanilang suporta sa kagustuhan ng Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos na magkaroon ng mga reporma sa pagpapabilis ng paghahatid ayuda, bawasan ang mga requirements ng mga recipients na siya ding sinang-ayunan ni Secretary Erwin Tulfo. Kaya naman mabilis na nakakapaghatid ng tulong sa ating mga kakabayan sa Noveleta, Rosario, Cavite City, Bacoor at Kawit na siyang malubhang tinamaan ng bagyo.

"Ang mahihingi lang natin ay ipagpatuloy ang kanilang sakripisyo at kapwa isantantabi pa rin ang pagod hanggang matapos ang trabaho," pahayag ni Sen. Revilla.

Ayon naman kay Cong Jolo Revilla, halos 24/7 na nilang nakakausap, nakakasama ang DSWD sa aming operasyon. "Kasama namin ang DSWD all throughout our daily relief operations. Mula sa delivery ng family food packs, releasing ng financial assistance at pag-asikaso ng mga nasalanta ng bagyo. Mahigpit ang ugnayan ng aking opisina at ng mga LGUs sa DSWD Region IV-A at mabilis na nakakatugon ang lahat sa pangangailangan ng bawat opisina" dagdag ni Cong Jolo Revilla

Batay sa pahayag at karanasan ng mag-ama, masasabing ginagampanan ng ating mga DSWD officials and personnels ang kanilang mandato, dahil na din sa maayos at mahusay na pamamalakad at paggabay ni Secretary Erwin Tulfo.

Mahaba pa ang laban na ito para sa ating mga kababayan sa lalawigan ng Cavite at ang pagkakaisa, maayos na koordinasyon at pagtutulungan ang mga susi sa muling pagbangon ng mga Caviteño.

odyler villamor