“TIYAKING HANDA ANG INFRA SA PANAHON NG LA NIÑA” -- REVILLA
“TIYAKING handa ang infra sa panahon ng La Niña”
Ito ang pahayag ni Senate Committee on Public Works Chair Senator Ramon Bong Revilla, Jr. ngayon (Abril 30) sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang matiyak ang kaligtasan ng bansa sa panahon ng La Niña.
“The rainy season is fast approaching. And we are wary of the impending La Niña phenomenon that will bring heavier rains than usual,” ani Revilla. “Ngayon ang pinakamagandang panahon para siguruhin na malinis ang lahat ng mga daluyang tubig, at walang bara ang mga drainage,” saad pa niya.
“This is why we are reminding them to prepare adequately, or better, prepare more than the expected impact. Dapat ngayon pa lang, pinapanatiling nang malinis ang mga drainages at iba pang tributaries. Wala dapat mga bara. Dapat klaro ang mga daluyan ng tubig para maiwasan ang pagbabaha. Yung mga pumping station dapat masiguro na 100% operational,” paliwanag pa ni Revilla.
Noong nakaraang Marso 2024, iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang El Niño sa buong Tropical Pacific Ocean ay nakitaan na ng paghina at inaasahang aabot na lamang ang pag-iral nito hanggang sa buwan ng Mayo. Sa kabilang banda ay mayroon naman umanong 55% tsansa ang La Niña na ma-develop simula Hunyo 2024.
“Ngayon pa lang habang di pa masyadong nag-uuulan, kumilos na tayo. Gawin na natin lahat ng magagawa natin para masigurong handa tayo kung sakaling dumating man ang sakuna. Take advantage of the current dry season. Hindi yung nandiyan na yung bagyo at saka pa lang magkukumahog kumilos,” pagwawakas ni Revilla. -30-