Bicameral Conference Committee Report ng Teaching Allowance ni Revilla, aprubado na ng Senado
Walang mapag-lagyan ang ligaya ng mga guro nang mainit nilang pinasalamatan si Sen. Revilla sa pag-sulong ng panukalang dodoblehin ang tinatanggap nilang teaching allowance.
Masayang ibinalita ni Senator Ramon Bong Revilla, Jr. na kasadong-kasado na ang kanyang “Kabalikat sa Pagtuturo Act” dahil matapos masuwato ng Bicam Conference Committee ang mga magkakaibang probisyon ng Senado at House of Representatives, kasama ang mga miyembro ng Komite, ay malapit na malapit nang matamasa ang mga benepisyo sa ilalim nito sa oras na mapirmahan ito ng Pangulo.
Ani Revilla, “alam natin na nag-‘evolve’ na ang pagtuturo kung kaya’t dumagdag na rin ang demands na nakaatang sa mga guro para mas epektibong magampanan ang kanilang mga tungkulin. Ang ayaw natin ay yung magiging abonado pa sila. Kailangan na yung gastusin para sa mga instrumento at kagamitan sa pagtuturo, hindi na nila huhugutin sa kanilang sariling bulsa.”
Sa Session Hall ng Senado kung saan ay nagsilapitan ang mga kinatawan ng iba’t ibang organisasyon ng mga guro sa bansa gaya ng Department of Education, Alliance of Concerned Teachers (ACT), Teachers Dignity Coalition, at Philippine Public School Teachers Association, hindi nila mapigilang maging emosyonal dahil mula noong ika-16 na kongreso pa nila ito hinahangad. Sa Chairmanship ni Sen. Revilla ng Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation, ay naisakatuparan na ang pangarap at adhikain ng mga guro.
Lubos ang pasasalamat nila kay Revilla na ngayon ay maituturing na ngang kampyon ng mga guro. Mahalaga din ang panukalang ito na kasama sa Top Legislative Priorities ni Revilla dahil aniya, ipinangako na niya ito noon pa man kaya nga labis ang galak niya nang siya na ang italagang Chairman ng naturang Komite ng Senado na tumalakay at nag-defend dito sa plenaryo. Sa pagbibigay-pugay at pagpapahalaga ni Revilla sa mga guro, sinabi niyang nakaukit na sa mga pahina ng kasaysayan ang kanilang kadalikaan.
Sa ilalim ng panukalang si Sen. Revilla mismo ang Principal Author at Sponsor, ang dating PHP 5,000 na Teaching Allowance ay itataas na sa PHP 10, 000. Napalaking bagay para sa mga gurong tinagurian ni Revilla sa kanyang talumpati ng mga “bayani” dahil sa kanilang kadikalaan at sa papel na ginagampanan bilang “haligi ng ating lipunan, at tanglaw ng ating kinabukasan.”
Pangako ni revilla na “hindi ito ang wakas, bagkus ay simula pa lamang ng marami pa nating mga hakbang at pagsasamahan sa walang mintis na pag-sulong ng mga kahalintulad na reporma.” -30-