Statement of SENATOR RAMON BONG REVILLA, JR. ON P20/KILO RICE BEGINNING MAY

Magandang simula ang P20 kada kilo ng bigas na ipapatupad ng pamahalaan sa susunod na buwan ng Mayo sa rehiyon ng Visayas. At inaasahan natin ang agaran din nitong pagpapatupad sa buong bansa.

Bahagi ito ng katuparan ng pangako ng Pangulong Marcos at aspirasyon natin para sa abot-kamay at sapat na pagkain sa bawat hapag.

Nasa tamang direksiyon ang pamahalaan sa paninigurong makikinabang ang lahat ng mga kababayan natin sa murang bigas.

Habang nakalatag ang ganitong programa, makabubuting sumuporta tayong lahat para sa iisang layuning na mapalawak ang serbisyo ng pamahalaan.

Sa murang bigas, may pag-asa ang bukas!

Edward Sodoy