SENATE TO TACKLE FLOODING WEDNESDAY

The Senate Committee on Public Works is set to examine the country’s Flood Control efforts and programs on Wednesday (August 9) when it conducts a hearing on the recent spate of flooding brought about by monsoon rains and typhoon Egay.

Committee Chair Senator Ramon Bong Revilla, Jr. has said that he summoned officials from the Department of Public Works and Highways (DPWH) and the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) to explain why flooding seems to worsen despite the hundreds of billions of pesos invested into flood control.

Set to appear are DPWH Secretary Manuel M. Bonoan and MMDA Chairperson Romando S. Artes who will be asked to lay down concrete actions to ensure that flooding is mitigated.

“Mainit na ang taumbayan, ako mismo naiirita na sa paulit-ulit na pagbaha tuwing bumubuhos ang ulan, lalo na ang mga kababayan nating lumulusong mismo sa baha, hindi na kailangan dito ang mga dati nang palusot, dapat ay aksiyon kung ano ang dapat gawin para hindi na bumaha,” said Revilla.

Revilla wants Bonoan and Artes to report on the country’s implementation and compliance to the Flood Control Masterplan formulated through the World Bank. The solon also wants to examine whether existing masterplans of Local Government Units (LGUs), the MMDA, and the DPWH are complementary to see why despite great efforts, flooding continues to be a problem.

Also to be discussed are regulations and policies involving the accountability of private and public contractors who damage drainage facilities and waterways. Just recently, a contractor for a mall that damaged drainage facilities was identified as responsible for the flooding in the South Luzon Expressway (SLEX).

“Dapat ay magkaroon ng reponsibilidad at accountability ang mga contractor na makakasira sa mga drainage. Matindi kasi ang idinudulot nitong pagbaha. Dapat liwanagin kung ano ang dapat na parusa o pananagutan kung meron man at masiguro na gumagana at maayos ang mga nasira ng mga kontratista,” the lawmaker said.

Revilla assured that the Senate’s efforts in addressing the problem will not end with its hearings and summoning Bonoan and Artes because he will personally inspect existing flood control projects, as well as reported sub-standard structures and condemned facilities.

“Hindi na tayo basta-basta maniniwala sa mga sasabihin ng DPWH at MMDA dahil mahuhusay sila sa paliwanag pero kulang sa gawa, kailangang makita ko na ng personal kung may patutunguhan pa ba ang kanilang panunungkulan o kailangan na nating maghanap ng kayang tugunan ang problema sa baha,” Revilla ended.

-30-

SENADO TATATALAKAYIN ANG PAGBABAHA SA MIYERKULES

NAKATAKDANG busisiin ng Senate Committee on Public Works ang programa hinggil sa flood control sa nakatakdang pagdinig sa Miyerkules (Agosto 9) dahil sa kabi-kabilang pagbahang naranasan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa dulot ng habagat at bagyong Egay.

Ayon kay Sen. Ramon Bong Revilla Jr. Chairman ng naturang komite, pinadalhan na umano ng summons ang pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang ipaliwanag ang hindi maresolbang pagbaha sa kabila ng daang-bilyong pondo na inilagak sa flood control.

Ipinatawag sina DPWH Secretary Manuel M. Bonoan at MMDA Chairperson Romando S. Artes na bukod sa paliwanag ay dapat na maglatag umano ng solusyon upang mabatid kung kaya pa ba nilang maresolba ang problema sa baha.

“Mainit na ang taumbayan, ako mismo naiirita na sa paulit-ulit na pagbaha tuwing bumubuhos ang ulan, lalo na ang mga kababayan nating lumulusong mismo sa baha, hindi na kailangan dito ang mga dati nang palusot, dapat ay aksiyon kung ano ang dapat gawin para hindi na bumaha” saad ni Revilla.

Nais ni Revilla sa pagharap nina Bonoan at Artes sa Senado ay matiyak kung ano ang tunay na ang nangyari sa Flood Control Masterplan na binuo sa pamamagitan ng World Bank na tila walang resultang makabubuti sa sitwasyon ng taumbayan.

Bubusisiin din umano ni Revilla kung tugma ang masterplan ng mga LGUs (Local Government Units), MMDA at DPWH upang matukoy kung bakit sa kabila ng magagandang paliwanag ng mga ahensiyang nabanggit ay tila mas lumalala pa umano ang sitwasyon.

Nais rin ng Komite na silipin ang mga patakaran kung paano mapapanagot ang mga pribado at pampublikong contractor na makakaperwisyo sa mga drainage at daluyang-tubig. Matatandaang itinuturo ang contractor ng isang mall sa matindi ngayong pagbabaha sa South Luzon Expressway (SLEX).

“Dapat ay magkaroon ng reponsibilidad at accountability ang mga contractor na makakasira sa mga drainage. Matindi kasi ang idinudulot nitong pagbaha. Dapat liwanagin kung ano ang dapat na parusa o pananagutan kung meron man at masiguro na gumagana at maayos ang mga nasira ng mga kontratista,” saad pa ni Revilla.

Kasabay nito ay tiniyak ni Revilla na hindi lamang magtatapos sa imbestigasyon ang pagpapatawag kina Bonoan at Artes dahil sa personal umano nitong iinspeksiyonin ang mga flood-control structures, gayundin ang mga sub-standard na imprastraktura at mga condemned na proyekto.

“Hindi na tayo basta-basta maniniwala sa mga sasabihin ng DPWH at MMDA dahil mahuhusay sila sa paliwanag pero kulang sa gawa, kailangang makita ko na ng personal kung may patutunguhan pa ba ang kanilang panunungkulan o kailangan na nating maghanap ng kayang tugunan ang problema sa baha,” pagwawakas pa ni Revilla.

-30-

Edward Sodoy