REVILLA VOWS TO ASSIST LGUs IN PROMOTING LOCAL INFRA DEVELOPMENT

SENATOR Ramon Bong Revilla, Jr. has vowed to partner with local government units in their pursuit to stimulate local infrastructure development, during the public hearing of the Senate Committee on Public Works on Tuesday (May 16).

“Alam naman natin ang kanya-kanya nating ginagampanang papel lalo na sa ating mga constituents. Pero iisa ang layunin natin – ang mahatiran sila ng sagana at damang serbisyo-publiko. Thus, we are ensuring that we will help to capacitate our LGUs in promoting their genuine local autonomy when it comes to infrastructure, which we all know is the backbone of the economy”, Revilla committed.

The Chairperson of the Senate Committee on Public Works led the deliberation of various local bills dealing with road conversion, renaming of roads, and creation of district engineering offices across different regions in the country.

“Palagi akong nakasuporta sa mga road conversion bills. Noong pa man na naging chairperson ako ng Committee on Public Works sa aking unang termino, marami na tayong naipasang mga ganitong panukala”, the three-term senator said.

Revilla stressed that road conversion paves way for LGUs to progress, as improvements on roads are vital to their economic development. “These roads represent windows and doors through which our people are given access to goods and services”, he added.

The Committee passed bills seeking to convert several roads in Romblon Province to be national roads.

The solon also elucidated the rationale on renaming roads.

“Ang atin pong ginagawang pagbibigay ng bagong pangalan sa mga kalsada at tulay ay isang mumunting pagtanaw natin ng utang na loob sa mga nag-ambag sa ating kasaysayan. When we rename roads, we do not change nor erase history. We simply honor revered personalities whose invaluable contributions to society have shaped our nation”, Revilla aptly explained.

The committee tackled several bills aiming to rename particular roads, including measures seeking to rename Agham Road located in Quezon City as Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue in honor of the late great lawmaker.

Moreover, Revilla discussed the importance of creating more district engineering offices (DEOs) in different LGUs.

“Inilalapit lamang natin ang mga serbisyo sa ating mga kababayan. Sa pagdami din ng mga DEOs, naniniwala tayong higit na magiging epektibo ang serbisyo. They help bridge the gaps and promote genuine local autonomy when it comes to infrastructure”, the solon said. -30-

REVILLA, ISINULONG ANG INFRA DEVELOPMENT

DINIINAN ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. sa isinagawang public hearing ng Senate Committee on Public Works noong Martes (May 16) ang pakikipagtulungan sa local government units (LGUs) upang mapaigting ang infrastructure development.

Si Revilla na siyang Chairperson ng Senate Committee on Public Works ay pinangunahan ang deliberasyon sa mahahalagang local bills na magiging daan tungo sa road conversion, renaming of roads, at pagbubuo ng district engineering offices sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

“Palagi akong nakasuporta sa mga road conversion bills. Noong pa man na naging chairperson ako ng Committee on Public Works sa aking unang termino, marami na tayong naipasang mga ganitong panukala” saad ni Revilla.

Idinagdag pa ni Revilla na ang road conversion ay malaking tulong sa pag-unlad ng isang LGU tungo sa kanilang ekonomiya dahil sa bibilis ang serbisyo kaya kaugnay nito ay ipinasa ng komite ang batas na magko-convert sa ilang kalsada sa Lalawigan ng Romblon na maging national roads.

Tinalakay din ng naturang komite ang ilang batas na naglalayong palitan ang pangalan ng Agham Road sa Quezon City na maging Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue bilang pagbibigay-pugay sa husay nito bilang isang mambabatas.

“Ang atin pong ginagawang pagbibigay ng bagong pangalan sa mga kalsada at tulay ay pagtanaw natin ng utang na loob sa mga nag-ambag sa ating kasaysayan upang hindi natin sila makalimutan, lalo na ‘yung bunga ng kanilang paghihirap na ngayon ay maayos nating tinatamasa” paliwanag ni Revilla.

Isinunod din ni Revilla ang paghimay sa kahalagahan ng pagbubuo ng mas maraming district engineering offices (DEOs) sa iba’t-ibang lokal na pamahalaan.

“Ang pagdadagdag naman ng mga DEOs ay malaking hakbangin upang mapalapit ang serbisyo sa publiko at mapabilis ang ugnayan pagdating sa infrastructure development” pagwawakas pa ni Revila.

-30-

odyler villamor