STATEMENT OF SENATOR RAMON BONG REVILLA, JR. ON THE CONFLICT IN SUDAN AFFECTING FILIPINOS
Sa kabila ng kasalukuyang sigalot sa bansang Sudan kung saan lubhang apektado ang ating mga kababayan, nararapat na tiyakin natin na ligtas at nasa mabuting kalagayan ang bawat isang Pilipino kahit sila pa ay nasa malayo. WE SHOULD ENSURE THAT NO FILIPINO WILL BE LEFT BEHIND. Sa pamamagitan ng mabilis at mabisang pag-agapay ng ating pamahalaan, papawiin natin ang anumang pangamba sa kaligtasan ng ating mamamayang nasa malalayong lupain. Wala tayong hahayaang maiwan. Lahat ay sisiguruhin nating nasa mabuting mga kamay at kalagayan.
With the 72-hour ceasefire between the forces in Sudan currently going, our government should take advantage of such opportunity. This is our window to secure our people and we cannot afford to waste this chance. At every point during this struggle, every minute is crucial in saving the lives of Filipinos. Kaya dapat siguruhin talaga natin na bago matapos ang pagkakataong ito, nailabas na natin sa Sudan ang bawat Pilipino.
I greatly commend the men and women of the Department of Foreign Affairs led by Secretary Enrique Manalo for working tirelessly for our fellow Filipinos overseas and making sure that they are safe and sound. My spirit is high that you will ensure that all our kababayans in Sudan are accounted for.
Lubos rin akong nagpapasalamat at taas-noong nagbibigay-pugay kay Ambassador Ezzedin Tago ng Philippine Embassy sa Egypt na siya ring non-resident ambassador sa Sudan. Siya ang marangal na bayani na sinisiguro na bawat kapwa nating Pilipino ay ligtas, naaasikaso at makakauwi ng maayos.
I will work hand in hand with the instrumentalities of our government to guarantee that all our people will get home to our land.