REVILLA NAMAHAGI NG FINANCIAL ASSISTANCE SA MAYNILA
PINANGUNAHAN ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa Lungsod ng Maynila noong umaga ng Pebrero 13 (Martes).
Tumungo ang batikang senador at lingkod-bayan sa una, pangalawa, at ikatlong distrito ng Maynila kung saan siya ay sinalubong ng mga kanya-kanyang kinatawan sa kamara na sina Rep. Ernesto Dionisio, Rep. Rolando Valeriano, at Rep. Joel Chua. Dumalo at nagbigay-pugay din ang mga halal na konsehal ng bawat distrito.
Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development, nakapaghatid si Revilla ng ayuda sa 3,750 na benepisyaryo.
“Personal nating inihahatid sa ating mga kababayan ang mga benepisyong alam nating kailangang-kailangan nila sa panahong ito. Nauunawaan natin yung mga hirap na pinagdaraanan nila at alam natin na itong handog natin sa mahigit tatlong-libong pamilya ay maiibsan kahit papaano yung mga problema nilang pinansyal. Yun naman simula’t sapul ang adbokasiya natin - ang tulungang bigyan ng ginhawa at maliwanag na kinabukasan ang bawat Pilipino.”
Kamakailan lang ay tumungo rin ang senador sa rehiyon ng Davao para mamahagi rin cash assistance at food packs sa mga nasalanta ng malakas na pag-ulan, pagbaha, pagguho ng lupa.
“Lagi po tayong reresponde at aalalay sa ating mga kababayan. Yan na po ang misyon natin sa buhay. Kaya gagawin ko po lahat ng aking abot-kaya para tumugon, tumulong, at umagapay sa kapwa Pilipino,” pagtatapos ni Revilla. -30-