REVILLA SEES BRIGHTER, BETTER YEAR FOR FILIPINOS IN 2024; LAUDS PBBM’s EFFORT IN JOB & INVESTMENT GENERATION

SENATOR Ramon Bong Revilla, Jr. expressed optimism on the country's track for 2024 and sustain its progress in the upcoming year at the same time lauding President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.’s efforts in job and investment generation.

Revilla shares outlook with majority of the Filipino people, citing a survey conducted by Pulse Asia on the expectation of Filipinos for the coming year. Based on the statistics, 92% of the population remains optimistic, saying that they will face the new year with hope.

“Mataas ang kumpyansa ko na magiging maganda ang pasok ng taon para sa bawat Pilipino lalong-lalo na dahil sa pagsusumikap ng ating Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. na paigtingin pa ang pagdami ng mga trabaho dito sa ating bansa sa pamamagitan ng pag-secure ng mga oportunidad galing sa ibang bansa,” the veteran lawmaker said.

It was reported that apart from the billions of pesos worth of investment pledges PBBM was able to secure from his official foreign trips from the last quarter of 2022 until 2023, the President also bagged more than 200,000 job opportunities for fellow Filipinos.

The series of presidential and state visits of PBBM last year resulted into as follows: 7,100 job opportunities from Indonesia; 14,932 from Singapore, 98,000 from New York, U.S.A.; 5,500 from Thailand; 6,480 from Belgium; 730 from the Netherlands.

This year, the President has brought the following number of employment opportunities: 32,722 from China; 24,000 from Japan; 6,386 from Washington, D.C.; and 8,365 from Malaysia.

Moreover, his recent trips during the 2nd half of the year gained the country further opportunities for its people: 450 jobs from Singapore, 2,550 from U.S.A., and 15,750 from Japan.

“Nasa tamang direksiyon ang tinatahak nating landas tungo sa maayos at maunlad na bansa dahil sa walang humpay na pagsisikap ng ating pamahalaan para mag-angkat ng karagdagang negosyo at trabaho na kailangang-kailangan ng ating bansa,” Revilla said in praising the President’s effort.

Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs Frederick Go said that the investment pledge worth P169 billion from PBBM’s state visit to Japan has already been actualized, thereby already providing jobs to many Filipinos. -30-

“MAAYOS AT MAUNLAD NA PILIPINAS SA 2024”—REVILLA

Umaasa si Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. na magiging mas maunlad ang 2024 bunga ng mga pagsisikap sa jobs at investment generation ng kasalukuyang administrasyon sa pangunguna mismo ng Pangulo.

Kasunod ito sa pinakahuling ulat na inilabas ng Pulse Asia Research na umabot umano sa 92% sa ating mga kababayan ang nananatiling buo ang loob at pag-asa para sa pagpasok ng taong 2024.

Nabatid na hindi lamang bilyong pisong halaga ng investment pledges ang naiuwi ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. (PBBM) kundi mahigit sa 200,000 job opportunities para sa ating mga kababayan mula sa kaniyang opisyal na foreign trips mula sa huling quarter ng 2022 hanggang 2023.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) ang mga biyahe ni PBBM noong nakaraang taon ay lumikha ng 7,100 job opportunities mula Indonesia noong Septyembre 4-6; 14,932 naman mula sa Singapore noong Septyembre 6-7; at 98,000 mula New York noong Septyembre 18-24.

Nag-uwi rin sa PBBM ng 5,500 job opportunities mula sa pagbisita nito sa Thailand noong Nobyembre 16-17; 6,480 trabaho naman mula sa Belgium noong Disyembre 11-14; at 730 trabaho naman mula sa Netherlands noong nakaraang Disyembre 15-17 na bahagi ng department investment mission.

Para sa taong 2023, binisita rin ni PBBM ang China noong nakaraang Enero 3-5 na nagresulta sa 32,722 trabaho; 24,000 job opportunities din ang naiuwi mula sa Japan nitong nagdaang Pebrero 8-12; 6,386 naman mula sa Washington, DC noong Abril 30 hanggang Mayo 4; at 8,365 trabaho pa mula Malaysia noong Hulyo 25-27.

Nakapag-uwi din si PBBM ng 450 karagdagang trabaho nang bumisita ito sa Singapore noong Septyembre 14-17; karagdagang 2,550 trabaho pa mula naman sa pagbisita nito sa US noong Nobyembre 14-17; at 15,750 naman ang nakuha sa Japan noong Disyembre 15-18.

Ayon kay Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs Frederick Go, na ang sinasabing PhP169 billyong halaga ng investment pledges sa isinagawang pagbisita ni PBBM sa Japan ay naisakatuparan na at naipagkaloob na sa ating mga kababayan ang libu-libong trabaho.

“Nasa tamang direksiyon ang tinatahak nating landas tungo sa maayos at maunlad na bansa dahil sa walang humpay na pagsisikap ng ating pamahalaan para mag-angkat ng karagdagang negosyo at trabaho na kailangang-kailangan ng ating bansa,” saad ni Revilla. -30-

Edward Sodoy