REVILLA SPONSORS PHILIPPINE MARITIME ZONES ACT

SENATOR Ramon Bong Revilla, Jr. on Tuesday afternoon (November 28) co-sponsored Senate Bill No. 2492 or the “Philippine Maritime Zones Act” which seeks to declare the maritime zones under the jurisdiction of the Republic of the Philippines. Revilla is the principal author of the measure.

The veteran lawmaker highlighted the importance of legislating the proposed law as the country continues to face maritime security threats.

“Sa gitna ng patuloy na tila pangungutya sa ating soberanya, walang ibang magtatanggol at mag-gigiit ng ating mga karapatan kundi tayo rin mismong mga Pilipino – tayong mga binigyan ng boses at mandato ng ating mga kababayan upang gumawa ng mga hakbang sa ngalan ng pagprotekta sa kabuuan ng ating bansa,” the solon said.

“Ang Pilipinas na duyan ng magiting ay hindi kailanman yuyuko at matitinag sa anumang intimidasyon o pananakot. At kailangan natin ng solido at matibay pundasyon na tuntungan ng ating mga argumento, karapatan at kapangyarihan. At iyan nga mismo ang layunin ng Philippine Maritime Zones Act,” Revilla further remarked. -30-

“HINDI KAILAN MAN TAYO MATITINAG SA ANUMANG PANANAKOT” REVILLA

“Sa gitna ng patuloy na tila pangungutya sa ating soberanya, walang ibang magtatanggol at mag-gigiit ng ating mga karapatan kundi tayo rin mismong mga Pilipino – tayong mga binigyan ng boses at mandato ng ating mga kababayan upang gumawa ng mga hakbang sa ngalan ng pagprotekta sa kabuuan ng ating bansa,”

Ito ang bahagi ng pahayag ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. noong Martes ng hapon (Nobyembre 28) nang mag-co-sponsor ito sa Senate Bill No. 2494 o ang “Philippine Maritime Zones Act” na naglalayong magdeklara ng maritime zones sa ilalim ng jurisdiction ng Republic of the Philippines.

Si Revilla na siyang principal author ng naturang panukala ay binigyang diin ang kahalagahan nito dahil sa patuloy na nararanasan ng ating bansa hinggil sa mga banta sa seguridad ng ating karagatan.

“Ang Pilipinas na duyan ng magiting ay hindi kailanman yuyuko at matitinag sa anumang intimidasyon o pananakot. At kailangan natin ng solido at matibay pundasyon na tuntungan ng ating mga argumento, karapatan at kapangyarihan. At iyan nga mismo ang layunin ng Philippine Maritime Zones Act,” saad pa ni Revilla.

-30-

Edward Sodoy