REVILLA WRITES NTC – GO AFTER RAMPANT TEXT SCAMS

In a letter to National Telecommunications Commission (NTC) Commissioner Gamaliel Cordoba, Senator Ramon Bong Revilla, Jr. has asked the NTC to act on the rising incidents of spam and phishing text messages.

The lawmaker said that the scam text messages have become so rampant that they no longer choose the time of day. He added that the messages have become so enticing that many have fallen victim to false promises in exchange for their hard-earned money.

“Matindi ang epekto ng scam text messages na ito dahil kapag sinagot ito ng ilang walang muwang na sindikato pala ang nasa likod, nakukuha na pati ang mga personal na impormasyon na kalaunan ay ang pagkasimot ng pinaghirapang ipon ng isang indibidwal,” Revilla said. “What is surprising is that those behind the messages seem to know the full names of recipients, and we don’t know how they obtained that information.”

Revilla acknowledged the programs of the NTC and telecom companies in battling these fraudulent schemes, but pointed out that efforts have seemingly come short.

“Napakarami pa rin ang nabibiktima. Imbes na matakot, these syndicates seem to be having their heyday. Kailangang aksiyonan na ito ng NTC dahil walang kalaban-laban ang marami nating kababayan. Dapat mabigyan ng karampatang proteksiyon ang ating mga kababayan at hindi maloko sa pamamagitan lang ng text message” he explained. -30-

NTC KINALAMPAG NI REVILLA DAHIL SA LAGANAP NA TEXT SCAM

KINALAMPAG ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. ang National Telecommunications Commission (NTC) sa pamamagitan ng pagpapadala ng liham na humihiling na aksiyonan ang patuloy na paglaganap ng spam at phishing text messages.

Ang naturang scam text messages ay hindi na mapigil sa pagpasok sa mga mobile phone ng isang pribadong indibidwal na may kung anu-anong pakulo para lamang makapanloko at makatangay ng pera mula sa napakaraming biktima.

“Matindi ang epekto ng scam text messages na ito dahil kapag sinagot ito ng ilang walang muwang na sindikato pala ang nasa likod, nakukuha na pati ang mga personal na impormasyon na kalaunan ay ang pagkasimot ng pinaghirapang ipon ng isang indibidwal,” sabi ni Revilla. “What is surprising is that those behind the messages seem to know the full names of recipients, and we don’t know how they obtained that information,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Revilla kay Atty. Gamaliel Cordoba, NTC Commissioner na ang Komisyon, telecommunications providers at iba pang ahensiya ng pamahalaan ay nagsama-sama na para labanan ang problemang ito simula pa noong nakaraang taon ngunit tila hindi sapat para ito ay tugunan.

Nabatid na ang paglitaw ng mga kahina-hinalang text messages sa mga mobile phone ay karaniwang nag-aalok ng trabaho, pakinabang at iba pang maaaring pagkakitaan para maingganyo ang isang puntirya na labis ang pangangailangan bago pa tuluyang maging biktima.

“Napakarami pa rin ang nabibiktima. Imbes na matakot, these syndicates seem to be having their heyday. Kailangang aksiyonan na ito ng NTC dahil walang kalaban-laban ang marami nating kababayan. Dapat mabigyan ng karampatang proteksiyon ang ating mga kababayan at hindi maloko sa pamamagitan lang ng text message,” paliwanag ni Revilla.

Nabatid na hinihiling ni Revilla sa lalong madaling ang kabuuang aksiyon na isasagawa ng NTC upang matugunan ang napakatagal ng panloloko sa mobile phone ng ilang masasamang loob.

-30-

odyler villamor